Chapter 39 : Cerberus

12.3K 159 39
                                    

Idededicate ko sayo ito dahil hindi ko matutumbasan ang napakahaba mong comment. wala eh speechles ako hehehe tula na ata yun? hehehe

Parang summary ng kwento ang nakita ko sa comment mo hihihi. Masaya ako dahil nagtyaga ka magtype ng ganun kahaba at ipinaramdam mo na talagang nagustuhan mo ang kwento na ginawa ko hihihihi Walang duda naglabas ka ng emotionsssss mo talaga hehehe...

Maraming Maraming salamat po sayo...  mwauhxxzz!!! ^__^

Sya nga pala... ou ako ang nagedit ng Picts. hihihi thank you po you love it ^__^ 

Wala pang pics ang UD ko naun dahil wala akong tym sa susunod nalang.. ipopost ^__^

Enjoy reading po...

++++++

ALICE P.O.V.

Umilag kayo!!

Dahil sa sigaw na yon. Agad akong nakaiwas sa pagatake muli ng asong may tatlong ulo. Kilala ko ang boses na yon pero hindi ko matatandaan kung saan ko ito narinig.

Ano pang ginagawa niyo! Umalis na kayo!

Muling may nagsalita mula sa isipan ko. Kinakausap na ba ako ng konsensya ko? O sadyang nababaliw na ako?

Gusto niyo bang mapatay ng Cerberus!

Tama! ang tawag sa kanila ay Cerberus. Hindi ko akalain na ganito kalaki sila hindi sila pangkaraniwang aso lang maliban sa kanilang tatlong ulo kasing laki nila ang lion sa mortal world.

Ang Kulet!

Hindi ko namalayan na malapit na kaming aatakihin ng Cerberus. Naglagay ng barrier ang princessa pero nawasak lang ito agad.

Kita sa prinsessa na hindi siya makapag-concentrate dahil inunahan na siya ng takot.

Nagngi-ngitngit sa galit ang Cerberus at kitang kita sa kanila ang gusto nilang pagatake sa amin.

Hindi ko alam ang aking gagawin, naging bato na ako sa aking pwesto dahil sa aking takot ganun din ang prinsessa. Inaantay lang namin ang pagbagsak ng mahahabang kuko ng Cerberus.

Subalit, napansin kong napahinto sila sa kanilang pagatake dahil may lalaking nakatayo sa likod ng Cerberus at hawak niya ang buntot nito.

“Magpapakamatay ba talaga kayo!” sigaw ng lalaking nakahawak sa buntot ng Cerberus. Nakita ko na siya pero hindi ko matandaan kung saan.

Mala porcelain ang kanyang balat at meron siyang mga gold na mata.

Nagwawala yung Cerberus at gustong makawala sa pagkakahawak ng lalaki sa kanilang buntot. Hinila ng lalaki ang Cerberus at nagulat nalang ako ng nahagis niya ito ng walang kahirap hirap.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon