Chapter 52 : No Mana Zone

6.3K 180 75
                                    

ALICE P.O.V.

Huminto ako sa aking pagtakbo, hindi ko kasi makita ang dinadaanan ko dahil sa sobra kong pagluha,sa pagluhod ko hindi ko naman maiwasang mabitawan ang basket at nagliparan ang mga nahuli kong firefly.

Ang sakit sa puso… bawat kirot ng aking nararamdaman lalong bumubuhos ang luha ko.Hindi narin ako masyadong makahinga dahil sa barado kong ilong.

“Alice?” napatingin ako sa tumawag sa akin.

Nagising na pala siya.

Pinunasan ko agad ang luha ko at tumalikod pero napansin parin niya ito. “Bakit ka umiiyak at bakit ganyan ang itsura mo?” pagaalala niyang sinabi.

Sa paglapit niya, lumuhod siya sa harap ko, hindi ko naman maiwasang yumuko. Tinignan niya kung may sugat ako maliban sa sugat ko noon. “May nangyari ba?”pagkakatanong niya sa akin.

“Wa-Wala… A-Ayos lang ako, Prince Azera.” pilit kong magsalita pero gargal parin ang pagkakasabi ko.

“You’re not okay. Ang ayoko sa lahat may nakikita akong babaeng umiiyak. Lalo na ang Mahal ko.”Hinawakan niya ang aking chin para itaas bahagya ang mukha ko.“Ano ba ang nangyari?” pagkakatanong niya ulit.

“Wa-Wala ito… Hinahabol kasi ako ng sibuyas.”Pagbibiro kong sinabi. Ngumiti ako sa kanya pero seryoso parin ang mukha niya. Tumayo ako. “Hahanapin ko lang si Yenma.” Paalis na sana ako pero hinila ako ni Prince Azera at niyakap.

“Alice, nakalimutan mo na ba ang mga sinabi ko sayo?” hindi ako umimik sa sinabi niya.“Sabi ko diba, kapag may problema ka huwag kang mahiyang lumapit sa akin.”Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap.“Ayoslang sakin kahit hindi mo sabihin sa akin… you can still cry in my shoulder.”

Sa sinabi ni Prince Azera, nagsisimula na namang mamuo ang luha ko. Siya na mismo ang naglagay ng ulo ko sa balikat niya.

“Sige lang, iiyak mo lang.” humagulgol na ko sa iyak ng maramdaman ko ang bahagyang pagtapik niya sa likod ko.

“Nandito lang ako hanggang sa maging okay ka na.” sa bigat ng nararamdaman ko, napayakap na din ako kay Prince Azera.

Binuhos ko lahat ng luha ko at sakit ng nararamdaman ko. Patuloy parin ang pagluha ko kapag naiisip ko ang kalagayan namin ni Clyde.

Bakit pa kasi naging isang Soul Eater pa ako!

======

Salamat kay Prince Azera nandito siya feeling ko hindi ako nagiisa kahit na hindi pa niya alam kung ano ba talaga ang dahilan ng pagiyak ko.

“Bago tayo umalis sa Nation ng Whenua, pinakiusapan ko ang Hari.”Sabi ng prinsipe.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon