Chapter 9 : Sha magic...

16.7K 241 16
                                    

Thanks guys..for reading my story..

enjoy reading....

medyo nalate lang magUD hehehe...

+++++++


CLYDE P.O.V.


“Clyde! Clyde! Ang galing! galing mo!” ang tinis ng boses nung kapatid ni Montblanc, nagtatalon siya sa tuwa habang hawak hawak niya yung bote na ginamit ko sa pagkuha ng Dark Spell

Makikita mo pa ang itim na usok sa loob ng bote parang gusto nitong makawala pero dahil sa Protection Spell malabong mangyari yun


“Ano ba talaga nangyari bakit nandito yung mortal, pano siya napunta dito pano! Pano---” hindi siya pinatapos ni Montblanc  


“Kuya! ang pangalan niya ay Alice, ang dami mong tanong, kukwento ko sayo mamaya, ang magandang tanong Bakit siya kinukulam? At gustong patayin?” tumitig sa akin si Montblanc


“Yan din ang gusto ko malaman, hindi kaya may kinalaman din ang mga witch kung bakit nakapunta si Alice dito sa mundo natin?”


“Nakaaway ba niya yung isa sa kanila?”


“Hindi, hindi basta gagamit ang isang Soul Eater ng Dark Spell sa walang kwentang bagay” Ano ba kaylangan nila kay Alice na isang mortal at ano ang kinalaman niya sa mga Soul Eater


“Waaaaaahh!! Soul Eater kamo! Soul Eater yu-yung ku-kumulam sa kanya!  Waaaaaaaaahhh!!!” muntikan niya na mabitawan yung bote


“Sha! Ingatan mo yan, kaylangan pa natin niyan, ipapatingin pa natin yan sa Free Council Mage at sa tingin ko kailangan natin itago ito kay Alice sigurado akong hindi niya alam ang mga nangyayari sa kanya”


“Waaaaaaahhh!!!” ang kulit talaga nitong elf  


“Kuya! Bitawan mo na nga iyan baka mabasag pa yung bote, makapublema pa ulit sisisihin kita kapag nangyari yun” saway ni Montblanc sa kapatid niya 


“Tigilan mo nga ako Momont, kung hindi sa tulong ko, pasalamat ka medyo mahina pa ang nakalaban mo kung hindi todas ang mortal---” pumunta siya sa balikat ni Montblanc at binatukan “---Saka hanggang ngayon pa ba naman ginuguhit mo pa ang bilog sa sahig! Diba tinuruan kana ni Amang kung paano gawin ang Circle of Spell” binatukan ulit si Montblanc ng kapatid niya


“Kuya Sha! Tama na nasasaktan ako, nakalimutan ko kung pano eh buti nga hindi ko nakalimutan ang mga simbolo! Sige na ikaw na magaling!”


“Sinisigawan mo na ako! Sinisigawan! Sinisigawan!!!”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon