Chapter 13 : Leprechaun

15.7K 196 25
                                    

Salamat po sa pag read ng story ko ... I'm very happy..^O^

salamat din po sa support niyo..

enjoy reading..!!!

+++++

ALICE P.O.V.

Limang malalaking lobo ang nakapalibot sa akin, hindi sila pangkaraniwang lobo na nakikita ko sa mundo namin

Sa sitwasyon naman ni Clyde dalawang lobo at isang lalaki ang nakapalibot sa kanya, hindi ko marinig ang pinaguusapan nila

Tumingin si Clyde at yung isang lalaki sa gawi ko, ano ba pinaguusapan nila

Naglakad patungo sa akin yung lalaki, agad naman tumakbo ang mga lobong pumalibot sa akin at pumunta kay Clyde para siya naman ang palibutan  

Nagtangka akong tumakas pero naabutan niya ako at nahila niya ang aking buhok “Arrrghhh!!! Bitawan mo ako!!!” nilagay niya ang kanyang braso sa aking leeg, hinihimas niya ang aking ulo at inaamoy


“ang bango talaga ng mga mortal, naamoy ko sa inyo ang mabangong laman” nilagay niya ang kanyang kamay sa aking leeg at idinidiin ang mahahaba niyang kuko sa aking leeg


“huwag! Huwag! hindi ako masarap kainin!” pumapalag ako at pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko


“malalaman ko din yan---” unti unti niyang ibinabaon ang kanyang mga kuko sa aking leeg nararamdaman ko na ang hapdi at may tumutulo pababa sa aking dibdib “---ang bango ng dugo mo hindi na ako makahintay, kainin ka” ibinuka niya na ang kanyang bibig    

Hindi pwede mangyari ito, gusto ko ng umuwi!! Ayoko mamatay dito!! sa lugar na ito!!

Gusto ko pa makita sina lolo’t lola!!!

At si… Natha…


“AAAaaaahh!!! Clyde!!!” napahinto siya gagawin niya

Bakit hindi ko naiisip si Nathan…bakit?… bakit si Clyde?


 “Clyde… pala ang pangalan ng Lycan… hindi ka na niya tutulungan… siguradong pinahihirapan na siya ng mga kasama ko”

Kasama? Ano ba klaseng nilalang siya?


“sinong kasama? Yung mga lampa” may nagsalita mula sa taas namin

Sa pagkatingala ko, nakita ko si Clyde nasa taas ng puno, may asul na mga mata at may matutulis na pangil

Tumalon siya sa amin, naramdaman ko nalang na kumalas ang pagkakahawak sa akin ng lalaki at napaluhod ako

Sa pagkalingon ko nakita ko ang mga nakahandusay na lalaki sa paligid, ibig sabihin ang mga pumapalibot sa akin kanina ay mga taong lobo

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon