Chapter 21 : Morbuzakh

14.5K 159 13
                                    

ALICE P.O.V.

Inalapit ng Morbuzakh ang kanyang hawak na lampara sa aming mga mukha “Sino ba kayo?”

Lumapit si Clyde at nagpakilala “Pasensya na po kung naabala namin kayo, ako po si Clyde Ault ang Alcolyte” tumingin sa kanya ang Morbuzakh mula sa baba hanggang taas na parang nangingilatis

Muli niyang tinignan si Clyde sa kanyang mga mata “isa kang Lycan” Panu niya nalaman na isa siyang Lycan


“O-opo isa akong Lycan” tumungo ang Morbuzakh at ngumiti sa kanya

Lumingon ang Morbuzakh sa kanyang likod para bang may tinitignan siya sa loob ng bahay, narinig namin siyang tumawa ng mahina, agad naman siyang tumingin sa amin at nabaling ang kanyang atensyon kay Prince Azera “Err… Sino ka naman?” sa pagmamatyag ko sa Morbuzakh parang may kakaiba sa kanya

Lumapit si Prince Azera at yumuko sa Morbuzakh “Amm… ako po si Prince Azera Wright”

Nagiba ang reaction ng Morbuzakh para bang nagtataka, lumingon siya na naman sa kanyang likod parang may kinakausap siya “Azera, kilala niyo ba si Azera ---” pagtingin namin sa kanyang likod wala naman siyang kinakausap, lumingon ulit siya sa amin “---hindi ko pa naririnig ang pangalang yan, isa kang Prince?”


“Y-yes, I’m the Third Prince, son of King and Queen Nokama”

Ngumiti siya kay Prince Azera at humawak siya sa kanyang maputing mahabang balbas, sinusuklay niya ito ng kanyang kamay habang nakatitig kay Prince Azera at bigla naman siyang sumimangot “The Naughty boy, The Flirt, The---” hindi na itinuloy ng Morbuzakh ang kanyang sasabihin dahil nagsalita si Prince Azera


“A-aah…p-pumunta po kami dito para po makahingi sa inyo ng tulong, G-ginoong Ducan the Morbuzakh” Tarantang sinabi ni Prince Azera

Lumingon ulit siya sa kanyang likod “Err… The Morbuzakh---” suminghot siya na parang baboy at nagulat kami ng sumigaw siya“---Morbuzakh!!” Nagtinginan kaming lahat sa inaasal ng Morbuzakh, tumingin siya ulit sa amin at umiling siya “---Err… Morbuzakh is not here”

Nagbuntong hininga si Prince Azera at umiling na parang nadismaya “He’s useless, naglakad lang tayo sa kwebang madilim para sa wala”

Tumingin sa kanya ng seryoso ang Morbuzakh, nilapit niya ang kanyang mukha kay Prince Azera na ikinagulat ng Prince “Useless? Wala akong pakielam kung naglakad ka sa dilim ng magdamag para hanapin ako---” nilapit niya lalo ang mukha niya kay Prince Azera “---have some respect” tumingin siya sa aming lahat at ginalaw niya ang ulo na nagsenyas na pumasok na kami

Mukhang mahihirapan kaming makipagusap sa kanya

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon