Chapter 30 : Sylph

14K 160 24
                                    

ALICE P.O.V.


“Takkkkkboooooooo!!!” matinis na sigaw ni Sha.

Gumapang ako palayo sa Cyclops, walang kahirap hirap na binuhat ng Cyclops ang mga nakatumbang malalaking puno. “Kita iba! Kita iba!”  

Nang nakalusot na ako sa mga punong nakataob agad akong tumayo at tumakbo sa kagubatan.


“Takbo Alice!! Takbo! Takbo!! Nandiyan na siya!!” tarantang sigaw ni Sha.

Waaaaaaaaaahhh!!!! Pasaway si Sha!!! Lalo akong ninenerebyos sa mga isinisigaw niya.

Nakita ko si Clyde nakatayo sa hindi kalayuan, bigla ako nagkaroon ng lakas na loob. Unting unti naging asul ang kanyang mata nagulat ako at napahinto ng siya ay tumalon ng mataas.

Sinundan ko siya ng tingin, hanggang sa nakita ko siyang sinipa ang mukha ng Cyclops. Medyo nahilo ang Cyclops pero hindi parin ito sapat para matalo ang Cyclops.


“Alice!!” napalingon ako kay Prince Azera. Tumatakbo siya papunta sa akin at saka niya ako hinawi papunta sa kanyang likod.

Sunod sunod na atake ang ginawa ni Clyde at todo iwas din siya sa pagkuha sa kanya ng Cyclops hanggang sa napaluhod at nanghina ito, bigla namang sumulpot si Cyde sa tabi ko.

Hindi makakailang napagod si Clyde sa kanyang pagatake. “Matigas ang isang ‘to.” Kapos na hininga niyang sinabi. “Pero siguro naman hindi na siya makakagalaw sa ginawa ko sa kanya.” Nakayuko at nakaluhod ang Cyclops halata sa kanya na nahihirapan tumayo.

Napanatag na ang loob ko dahil sa aking nakikita. “Kailangan na nating puntahan si Montblanc.” Sabi ko sa kanila.

Nagulat kami ng umungol ang Cyclops at pinipilit na tumayo. “Inis ako! Gawa niyo!”  Humawak siya sa isang puno, binunot niya ito mula sa lupa at saka niya hinagis sa amin.

Agad naman kaming dumapa para hindi matamaan ng punong hinagis niya. Mas lalo pala siyang nakakatakot kapag nagagalit.

Pagkatayo namin, aatake ulit si Clyde pero pinigilan siya ni Prince Azera. “Kaya ko na ‘to.”

Umatras si Clyde. “Osige.” Taas kilay niyang sinabi. Lumapit si Prince Azera sa Cyclops. “Ang yabang.” narinig ko ang mahinang sinabi ni Clyde habang nakacross armed.

Bago man magbanggit si Prince Azera ng spell bigla siyang inatake ng Cyclops, pasalamat naman ako dahil nakaiwas naman siya dito. Sa pagkakumpas ng kanyang wand may lumabas na tubig sa paligid ng Cyclops. Unti unti itong gumapang mula sa kanyang buong katawan dahilan para hindi siya makagalaw.

Humampas naman ang Cyclops sa lupa na nagpawala ng konsintrasyon ni Prince Azera dahil sa malakas na lindol nawasak ang pagkabalot ng tubig sa katawan ng Cyclops.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon