Chapter 3 : Pagtakas

18.7K 285 8
                                    

sawako_me:  i dedicate this chapter to you, Thank you again po sa pag fan po sa akin at paglagay ng story ko sa RL mo, hihi sana magustuhan mo ang Chapter na ito ...thanks ulit

Enjoy reading ...Labs labs labs..

++++++++

ALICE P.O.V

Nasa kwarto ako, nakahiga at nakatulala sa kisame

Tok! Tok! Tok!

“Alice…ang Lola Anastasia mo ito, pinagdalan kita ng pagkain” wala akong ganang kumain

Hinihintay niya akong sumagot bago niya binuksan ang pinto

Nang nakita ko siyang papasok sa kwarto ko, tumagilid ako, ayoko makita ni lola na ganito ang itsura ko

Narinig kong nilapag niya sa study table ko ang dala niyang pagkain at saka umupo siya sa tabi ko sa side kung saan nakatalikod ako

Hinihimas niya ang ulo ko “hija, kailangan mong kumain” hindi ko parin siya kinibo, ramdam ko ang pagaalala ni Lola sa akin pero wala talaga akong gana kumain at makipagusap

“Iiwan ko ang pagkain mo, babalikan ko nalang mamaya” tumayo na siya at umalis na ng kwarto

Tatlong araw na ang nakalipas at hindi ko parin matanggap na hindi ako sinipot ni Nathaniel sa kasal namin

Hindi ko parin maayos ang sarili ko dahil sa nangyari, umiiyak ako kapag naaalala ko ang mga pinagsamahan namin, ang saya namin nun kaya hindi parin lubusang maisip kung bakit niya ginawa sa akin ang bagay na makakasakit sa akin

Pagwala si Nathaniel sa aking tabi feeling ko naputulan ako ng isang paa, hindi ko alam kung paano ako makaka-move on sa nangyari

Ang bigat parin ng pakiramdam ko at habang hindi ko pa makalimutan ang nangyari paulit-ulit na kumikirot ang puso ko

Dun na ako naguumpisa umiyak

Iyak ako ng iyak hanggang sa makatulog ako

Pagkagising ko ng gabi…..

Ang sakit ng ulo ko, nawala naman yun nung pagkabangon ko, nasobrahan ata ako ng tulog

Biglang nakarinig ako na kung anong nabasag sa kabilang kwarto

Sa kwarto yun nila lolo at lola hindi ako nagdalawang isip na tignan kung ano ang nangyayari

Bakit ang dilim? Nasagi ko ang tubig na dala ni Lola kanina, narinig kong timutulo ito sa sahig Kinakapa ko ang paligid ko at ng makarating sa pader hinanap ko ang switch ng ilaw

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon