Chapter 29 : Cyclops

14.2K 177 17
                                    

ALICE P.O.V.

Nagpasya kaming pumunta sa Ahkmou kung saan nakatira ang tribo ng mga lobo baka sakaling mahanap namin doon si Luke at ang prinsesa.


“Tara na! tara na! Alice! Tinatawag na tayo ni Third Prince.” nagsisigaw si Sha papasok ng kwarto at saka siya sumakay sa balikat ko. “Sigurado ka bang sasama ka? Ayos na ba yang kamay mo? pwede ka namang hindi sumama o kaya huwag ka na lang sumama.” Ang gulo ni talaga ni Sha.


“Sha… ayos na ako. Hindi naman hadlang ang pagkabenda ng kaliwang kamay ko sa mission natin.” kinuha ko yung crystal, bago ko pa ito ilagay sa bulsa tinitigan ko ito.


Huwag kang magalala Vhisola… gagawin ko ang lahat para mahanap ang isang crystal. Saka ko ito nilagay sa bulsa.  


“Teka! Teka! Alice!!” palabas na ako ng pinto pero inaawat ako ni Sha.


“Bakit? may nakalimutan pa ba tayo?” pagtataka kong tanong.


“Wala! Wala! Akin na yang Crystal, mahalaga yan! Kailangan hindi yan mawala. Akin na! Akin na!” mababasag ata ang eardrum ko kay Sha.


“Saan mo naman ito ilalagay? Kasya ba ito sa bulsa mo?”

Tinaggal niya yung pointed hat niya. “Dito! Dito! Kasya yan dito!” napakunot ako. Mas malaki pa yung crystal kesa sa hat niya.


“Sigurado ka bang kasya yan diyan?”


“Ou! Ou! Kasya yan at Safe yan dito.” kinuha ko na yung crystal sa aking bulsa para ibigay sa kanya “Ayy… Teka! Teka!!” may hinahalungkat siya sa kanyang sumbrero at inalabas niya ang isang candy, sabay subo niya lahat dito. “Hoyon! Hondo no mosyodooong mobogot” (Hayan hindi na masyadong mabigat) parang may malaki siyang beke dahil sa candy at kaya siya nahihirapan magsalita. Kinuha niya sa kamay ko ang crystal saka niya inalagay sa kanyang sombrero. “Sep na sep! doto yawn!” (Safe na safe dito yan).


“Sabi mo yan ha. Ingatan mo yan.”


“Ooo! Ooo!” Tumungo siya ng wagas. “Ngaton ku toh!” (iingatan ko ‘toh). Natatawa ako sa mga pinaggagawa ni Sha.

Pagkalabas namin sa isang lumang tindahan na pinagpahingahan ko. Nakita ko sina Clyde, Prince Azera at Montblanc na nakahawak sa isang…


“Ano yan!?” gulat kong tanong.


“Tsh! Engot talaga kahit kelan. Hindi mo alam ang tawag sa kanila?” sabi ni Clyde habang umiiling. Nakakaasar siya!!!


ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon