Chapter 42 : Cronos Game 1

11.4K 160 23
                                    

ALICE P.O.V.

“Hindi yun nagkataon.” Napatingin ako sa bisangot niyang pagmumukha.

Sinusundan namin yung nagaasikaso ng laro. Ang laki pala nitong Matoran Arena kung saan saan na kasi kami idinaan nitong sinusundan namin.

Nahuhuli kami maglakad ni Clyde sa mga kasama namin kaya naopen na naman ang tungkol kay Eliot. “Clyde. Nagkataon lang talaga na nandito siya.” Sabi ko.

“Nagkataon ba yung… Wala lang at NAPADAAN LANG?” inis na sinabi ni Clyde.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Tinitigan ko siya ng maigi. “Bakit ka ba nagkakaganyan? Huwag mong sabihing…”

He frowned. “Ako? Dun? Nagseselos? Hinde noh.” sinabi niya yon at ipinagpatuloy ang paglalakad. Wala pa nga akong sinasabi… deny agad siya pero tama siya ano naman ang pagseselosan niya kay Eliot?

Ewan ko ba kung anong tawag sa relationship namin ni Clyde.  We know… we have feeling to each other… mahal namin ang isa’t isa pero wala pa kaming tinatawag na title about sa aming dalawa. Kami ba?

Oo... kami? Tinawag na nga kaming priatel ng mga nakakakita sa amin at sa kalandian naming dalawa… we kissed. Teka? Nagpropose ba siya sa akin? Ang sagot ... Hindi pa. 

“Basta Alice. Masama ang kutob ko sa kanya.” Malamig na sinabi ni Clyde. “at maling isama siya sa atin kahit na isa lang itong patimpalak.”    

Nang makarating na kami sa isang pinto. Napatingin ako sa gawi ni Eliot. Bakit naman ako? wala naman akong nararamdaman masamang kutob na sinasabi ni Clyde tungkol kay Eliot. Ang totoo nga niyan magaan ang loob ko sa kanya dahil siguro iniligtas niya na ako.

Napansin ni Eliot na nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti siya sa akin.

Ngingitian ko na sana siya pero biglang humarang si Clyde sa harap ko at nilakihan ako ng mata.

“Okay.” Napatingin kaming lahat sa nagaasikaso ng laro na humarap sa amin at nakatayo sa tapat ng pinto. “Kabilang kayo sa sampung grupo na may lakas loob labanan ang Cootamundra the undefeated champion sa larong Cronos Game at kayo ang huling maswerteng nakapasok sa larong ito.”

“Sa-Sandali? Sampu lang kami lalaban sa Cootamundra?” tanong ni Montblanc.

“Yes.” Tipid na sagot ng lalake.

“Akala ko higit sa sampu kami.” sabi ni Montblanc.

Kahit ako. Nagtaka kung bakit sampung grupo lang ang lalaban.

“Sino bang gustong makipaglaban sa naturing na mga dragon sa larong Cronos Game.” Ngumiti siya sa amin. “Malalaman niyo din yang katanungan niyo kapag nakapasok na kayo sa loob ng pintuang ito.”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon