Chapter 50 : Gargoyles

7.5K 185 52
                                    

ALICE P.O.V.

Patungo kami sa kaharian kasama ang prinsesa. Ang dating tinitirhan ng kanyang mga magulang ang Hari’t Reyna Morbuzakh.

Sa buong oras ng paglalakbay namin, nakatuon ang lahat ng atensyon sa prinsesa at prinsepe. Marami silang pinaguusapan na hindi ko magets. Kung sabaga na-O-OP na ako dahil halos lahat tungkol sa kanilang tungkulin dito sa mundong ito.

Pero, hindi ko rin maiwasang makinig sa kanilang kinukwento at pinaguusapan habang naglalakbay.

Ayon kay Prince Azera. Pagkatapos ng pagsugod ng mga Soul Eater at nagkaroon ng kaguluhan hindi na nakita ang angkan at mamamayan ng taga Nation ng Morbuzakh. 

Maraming nagsasabing ang Hari’t Reyna Grewoldt ay namatay sa araw ng pagsugod ng mga Soul Eater, ganun din ang kanilang anak. Ang Prinsesa.

Pero, walang nakakasiguro sa balitang yon.

Ang isa sa nakaligtas sa araw na iyon ay si Ginoong Ducan na may sinasabing tungkol sa propesiya.

Propesiya namuling magbabalik ang angkan ng Morbuzakh dahil sa prinsesang itinakda—ang Archangel Princess.

Si Prinsesa Altheia.

“Nga pala, Prinsesa sa hinaba ng taon, saan kayo namalagi? At nalamang ikaw nga ang prinsesa?”

Magandang tanong yan Montblanc.

“Sa Sylvania.”

Sylvania? Saang mahiwagang lupalop naman yon sa mundong ito?

“Sa bayan ng Sylvania!? The Vampires Town?Panong? Pano ka nakarating don?”

Sa pagtatanong ni Prince Azera nagkibit balikat nalang ang Prinsesa. Kahit siya hindi alam kung pano siya nakapunta sa lugar na yon.

Ayon kay Prinsesa Altheia. Kinupkop siya ng babaeng bampira, si Veltra Sy na siyang nagpalaki sa kanya. Alam niya na iba siya sa kanyang kinalalakihan dahil sa kanyang ibang kapangyarihan at kakayahan.

Hanggang sa isang araw sinakop ang bayan ng Sylvania ng mga rebeldeng bampira. Sa araw na yon, nalaman niya ang buong katotohanan na isa siyang Morbuzakh, hindi lang sa kanyang kakaibang kakayahan kundi dahil sa kanyang marka sa kanyang likod.

Marka na isang pagiging Grewoldt at prinsesang itinakda.

Sa kasamaang palad nakuha at ikinulong siya sa mga kamay ng rebeldeng bampira dahil sa pagkakaalam na isa siyang prinsesa.

Nang dumating ang araw ng kanyang pagdala sa sinasabing nilang kamahalan dun na siya nagkaroon ng pagkakataon na tumakas. Saka niya na nakilala si Luke ang lobong nagligtas sa kanya.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon