Chapter 25 : Little Punishment

14K 175 23
                                    

ALICE P.O.V.

Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at Metru Nui ang sinabi kong pupuntahan namin ni Montblanc? Dapat pala sa gubat ng Orkahm ang sinabi ko. Masyado kasi ako napadala sa inis kaya hindi ko naiisip ang mga sinasabi ko.


“Kuya Sha, dito ka muna may pupuntahan lang kami ni Alice.” paalam ni Montblanc. Nagpasya kami ni Montblanc na pumunta agad sa Metru Nui para makahanap na impormasyon tungkol sa Prinsesa. Maganda na din yun para makalayo muna sa walang hiyang yon. Sabi niya pabigat ako, so, para hindi ako pabigat hindi ako sasama sa kanya.    


“Saan kayo pupunta Momont? Gusto kong sumama! Please! Please!” with matching puppy eyes pa si Sha.


“Huwag na… sandali lang naman kami. Dadalhan nalang kita ng pasalubong.” Lambing ni Monthblanc kay Sha.

Habang naglalakad kami palabas ng kaharian nakasalubong namin si Clyde. Lumapit siya sa amin “Saan kayo pupunta, Alice?” hindi ko siya pinapansin. “Alice tinatanong kita.”

Dahil hindi ako sumasagot, si Montblanc ang sumagot sa tanong ni Clyde “Sa Metru N---”


“Hindi ikaw ang tinatanong ko. Alice ba pangalan mo?”  tumahimik si Montblanc at hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin. Iniiwasan kong tumingin sa mukha ni Clyde dahil sa sama ng loob ko sa kanya pero alam kong nakatingin siya sa akin.


“Alice…” sabay kalabit sa akin ni Montblanc “tinatanong ka.” Mahinang sinabi niya sa akin.

Tumingin ako kay Montblanc “Sabihin mo sa AMO natin, sa Metru Nui tayo pupunta. Bakit pa niya tinatanung yon, alam naman niya na dun tayo pupunta.”

Tumingin si Montblanc kay Clyde “A-ah Clyde ang---”


“Ang sabihin mo sa kanya. Bakit pupunta kayo agad sa Metru Nui? puwede naman ipabukas yon.” Hindi naituloy ang sasabihin ni Montblanc dahil sa agad na tanong ni Clyde.

Tumingin naman sa akin si Montblanc “A-ah, sabi---”


“Sabihin mo ulit sa AMO natin, gagawin natin yun para ipakita na meron tayo naiitulong at hindi tayo masabihan na PABIGAT.” Agad na sinabi ko kay Montblanc.


“Pabigat? Ano ba gagawin niyo sa Metru Nui? Sino nagsabi ng pabigat tayo?” tanong ni Sha sa amin.


“Wala Sha, tara na Montblanc kailangan na nating umalis.” Hinila ko si Monblanc at iniwan si Clyde sa kanyang kinatatayuan.

Malapit na kami lumabas sa gate ng kaharian pero huminto si Montblanc sa kanyang paglalakad at saka siya tumingin sa akin. “Alice, nagaway ba kayo ni Clyde?”  

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon