Chapter 14 : Blood

15.3K 179 18
                                    

Salamat po ng madami ..sa supports.. niyo!! 

I'm Really happy..labs labs labs!!

Enjoy reading ...

++++++


Sa tagong bahagi ng kagubatan ng mundo ng mga mortal, kung saan makikita ang mga grupo ng mangkukulam, nagmamadaling maglakad sa malaking pasilyo sina Kleria at Orrl papunta sa silid ng kanilang kamahalan

Kailangan nilang ipaalam ang kanilang natuklasan, binuksan ni Orrl ang malaking pinto, agad naman pumasok sila sa silid at lumuhod


“Kamahalang Tahlia”

Inihinto ng kamahalan ang kanyang iniinom, ang basong may lamang gatas na hinaluan ng ritual blood, ibinaba niya ito sa kanyang eleganteng lamesa at humarap siya kina Kleria


“Nagawa mo ba ng maayos?” sabay tusok ng kanyang mahabang kuko sa puso ng ibon na nakahain sa lamesa at mahinhin niya itong kinain

Hindi makasagot si Kleria sa tanong ng kanyang kamahalan, alam niya kasing masisira ang araw nito kapag babagitin niya na hindi niya nagawa ang kanyang ipinaguutos, yumuko lang ito at hindi umimik  


“Kleria, sabihin mo sa akin” mahinhing sinabi ng Kamahalan

Gumaan ang loob ni Kleria dahil sa masaya na ikinikilos ng kanyang kamahalan kaya nagkaroon siya ng lakas na loob “P-patawarin mo po ako hindi ko po siya nagawang pahirapan” may halong takot ang kanyang sinambit

Ngumiti ang kamahalan sa kanyang narinig, tumalikod ito at humarap sa malaking bintana “Aaah.. mukhang hindi magandang balita yan…” malungkot at mahinhin na sinabi ng kanilang kamahalan

Dahil sa naninibago siya sa ikinikilos ng kamahalan lakas loob ulit siyang nagsalita dito “p-pero kamahalan hahanap po ako ng paraan para magawa ko ng maayos ang ipinauutos niyo”

Narinig nila itong tumawa ng mahina hanggang sa unti unti itong lumalakas, nagtinginan sina Kleria at Orrl

Bigla nalang tumigil ang kamahalan sa pagtawa at tumahimik ang paligid

Pagharap ng kamahalan sa kanila “RuuuwwwaAAAAAGgggHHH!!!!” galit na galit na sigaw ang sumalubong sa kanila at biglang tumilapon si Kleria sa pader

Nabulabog ang mga uwak sa pagkasigaw ng kamahalan  

Lubos na nasaktan si Kleria dahil sa lakas ng pakakahagis niya sa pader, pilit niyang itinatayo ang kanyang sarili hanggang sa napansin niyang umaangat siya sa ere at hindi siya makahinga dahil may kung anong sumasakal sa kanya   

Nakita niyang nakataas ang kanang kamay ng kanyang Kamahalan tatlong metro ang layo sa kanya “K-ka-kamahalan”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon