Chapter 47 : Dim Ghost Ship

9.9K 174 30
                                    

ALICE P.O.V.

“Yep! That’s right. It’s called Dim Ghost Ship!” Inilahad pa niya ang kanyang dalawang mahabang braso na para bang gandang ganda kami sa ship na kanyang ipinakita.

“Tsh! Ito ang kapalit sa Pegasus Necklace. Eliot? Parang lugi ata kami. Ang panget ng ship na ibinibigay mo sa amin.” Bulyaw ni Luke.  “Ibalik mo nalang kaya yung kwintas. Ayoko sumakay sa ganyang kakarag karag na ship.”

Totoo ang sinabi ni Luke. Ayoko din sumakay sa ganyang creeping sasakyan.

“Tsk! Tsk! Dahil lang sa panglabas na anyo ayaw niyo agad, hindi niyo pa nga nakikita ang tunay na kakayahan. Kasing tibay yan ng mga bagong ship. Mas matibay pa sa Oasis Elemental ship.” Deathos wiggles his eyebrows. “Hindi lang sa limang nation ang kayang libutin nito. Kaya din nito maglakbay sa limang dimension ng underworld. Na hindi kayang lakbayin ng ibang elemental ship.” Paliwanag ni Deathos.

“Kaya din ba yan maglakbay sa mortal world?” dahil sa tanong ko napatingin silang lahat sa akin. Nagbabakasakali lang ako.

“Hmm… mortal world…” napatingin si Deathos ng seryoso sa akin. “Hindi ko alam kung pwede ang Dim Ghost Ship sa dimensional portal pero sa tingin ko hindi pwede. Bakit mo naitanong?”

“Ah… ano kasi.” Hindi ko alam ang isasagot ko.

“Wala pala yan eh! Hindi pwede sa dimensional portal!” singit ni Sha pero agad na nagtago sa batok ni Montblanc.

“Tsh!  Wala akong pakielam kung kukunin niyo o hindi. Madami pa akong ginagawa! Mga istorbo!” at saka siya palutang lutang lumayo sa amin pero bago siya tuluyang umalis. “Nga pala. Kung kukunin niyo. Huwag niyo nalang pansanin ang nasa loob.”

Anong ibig niyang sabihin? Huwag pansinin ang alin?

“Sa ayaw o sa gusto niyo. Ito ang ibibigay kong Elemental Ship sa inyo.” Seryosong sinabi ni Eliot.

“Siraulo ka pala eh! Ikaw bam--asdfghjkl” hindi na namin naitindihan ang sinabi ni Luke dahil tinakpan ni Montblanc ang kanyang bibig at pinipigilan ang pagkakapalag nito.

Ngumiti si Montblanc. “Pasensya kana… masyado lang siyang excited sa pagsakay. Ok na sa amin yan. Unique na unique! Konting ayos at linis lang namin diyan magmumukhang bago na.” Napansin kong kinukumbinsi niya si Luke.

“Aaarrrgghh! Aray!” sigaw ni Montblanc habang pinapagpag yung kamay na itinakip sa bibig ni Luke. “Bakit mo ko kinagat?!”

“Sa susunod na gawin mo yon! Lalapain ko na ang kamay mo!” sigaw ni Luke.

“AKO DIN! Sa susunod ng pagkagat mo sa kamay ko! Tatagalin ko dila mo!” inis naman na sigaw ni Montblanc.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon