Chapter 43 : Cronos Game 2

10.8K 177 56
                                    

Aangal sana si Clyde sa mga nangyayari pero hindi niya na ito nagawa pa ng makaapak na sa field si Alice sa pamamagitan ng light dust.

Nagpalit sila ng posisiyon ni Montblanc na ngayon kasama ni Sha.

“Anong pumasok sa isip mo at nagrekuminda ka.” Inis na sinabi ni Clyde habang si Alice na sa likod nito.

“Pasensya kana Clyde. Nandito na tayo. Mamaya mo na ko sermonan.” Ilang na ngiti ni Alice kay Clyde. Bakas kasi ang pagkainis nito sa kanya.

“Oo. Kaya humanda ka talaga sa akin.” Irap na sinabi ni Clyde.

Napanguso nalang si Alice.

Tumunog ang horn, hudyat para umpisahan ang laban. Napansin agad ni Alice ang kakaibang pakiramdam na para bang may humugot ng kanyang lakas.

“Sandali… parang doble ang bigat ng nararamdaman ko ngayon hindi katulad kanina.” Paguusisa ni Luke. “Dahil ba ito sa elimination na ginawa ni Montblanc? Dagdag parusa talaga ang surot na yon.”

“Sa tingin ko, hindi ito dahil sa elimination ni Montblanc.” Paguusisa din ni Eliot. “Ang cronos field kasi kumukuha ng kapangyarihan bawat player sa grupo. Kung isa sa grupo ay may malakas na kapangyarihan. Ikakadagdag ito ng bigat sa bawat player ng grupo.”

“Kausap kita? Hindi ko kailangan ng paliwanag mo.” taas kilay ni Luke kay Eliot. “Tsh. bampirang toh. Feeling close.”

“Luke. Napakawar freak mo.” sabi ni Alice. “Eliot, pasensya ka na kay Luke. Pati na rin sa iba.”

“Ok lang Alice. Sanay na ako sa mga ugali ng wolf.” Sabi ni Eliot at tumingin sa gawi ni Luke na mapangusisang tingin din sa kanya. “They are really short tempered. Lalo na hindi nila matanggap na mas magagandang lalaki ang mga vampire kesa sa mga tulad niyang wolf.”

Narinig ito ni Luke pero hindi niya na ito pinansin dahil nabaling agad ang atensyon niya sa paglagay ng water barrier ni Prince Azera sa kalahati ng field para itong clear glass pero gawa ito sa tubig.

Kitang kita nila ang dalawa sa kabilang grupo na tumitira ng wind shot para masira ang water barrier.

“This is the plan. Luke and Eliot kayo ang bahala sa kaligtasan ni Alice but don’t forget to buck up us kapag may nangyaring aberya at sumugod ang ibang miyembro nila. Kami na bahala ni Clyde sa dalawang Cootamundrang toh.” Confidence na sinabi ni Prince Azera.  

“Sandali. Gusto ko din tumulong. Ayoko ko na walang ginagawa dito.” Angal ni Alice.  

Malungkot na tumingin si Prince Azera sa kanya. Ayaw niyang masaktan ang damdamin ng dalaga pero kailangan niyang sabihin na… “I’m Sorry Alice but you---” naputol ang sasabihin ni Prince Azera ng nagsalita si Clyde.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon