Chapter 11 : Waiting for you

15.3K 216 21
                                    

Pagbigyan natin si nathan na magpaliwanag 

hehehe..POV niya 

Enjoy Reading ...

+++++

NATHAN P.O.V.

Nilalanghap ko ang simoy ng hangin habang nakaupo sa bench at tinitignan ang malaking fountain sa harap ko, may iba’t ibang ilaw ito habang ito’y sumasayaw

Nandito ako ngayon kung saan kami unang nagkita ni Alice, hindi ko akalain na sa pagkikita naming iyon magsisimula ang pagmamahalan namin

Sobrang saya ko nung araw na tinanggap ni Alice ang aking proposal para sa kanya, kapag naalala ko ang mga bagay na yun parang may kumikiliti sa loob ko at nabibigay ito ng ngiti sa akin

Ako na yata ang pinaka swerteng lalaki dahil ako ang minahal ni Alice, kahit tumingin ako sa ibang babae wala na akong makikitang katulad niya  

Ako na rin siguro ang pinaka excited at pinaka masaya na lalaki sa importanteng araw namin

Yun ay ang pagpapakasal

Pero sadyang pinaglalaruan kami ng tadhana at bigla itong naglaho ….

*FLASHBACK*

Gumising talaga ako ng maaga para hindi malate sa importanteng araw ko, hindi na ako makapaghintay na makita ang pinakamamahal ko

Tinawagan ko ang aking kaibigan na si Greg siya kasi ang maghahatid sa akin sa simbahan, hindi ko lubos maisip na malelate si Greg, lagi naman yung on time when we have works and appointments  


“Hello Greg! Where the hell! Are you! Ang Tagal mo dumating!” 


“Malapit na ako! Medyo nagkaroon lang ng konting problema” sagot ni Greg sa kabilang phone


“Bilisan mo, Ayoko malate sa kasal namin!” at saka ko binaba yung phone

Dapat kasi kinuha ko na nung isang araw yung kotse ko sa car shop, Badtrip! Hindi ako makapali paikot ikot lang ako sa isang lugar, nakasuot na ako ng white coat at ready na rin akong umalis

Hinihintay ko nalang si Greg   

Panay tingin ako sa bintana kung nandyan na si Greg at Tingin rin ako ng Tingin sa wrist-watch ko, 8:30 ang umpisa ng kasal namin

Anong oras na! 7:45 na wala pa si Greg kailangan kong makarating doon ng 8:00, magco-commute na nga lang ako

Narinig kong tumunog ang doorbell, salamat dumating na din si mokong

Agad naman akong pumunta sa pinto para buksan


“Ang tagal mo---” napatigil ako dahil hindi si Greg ang nakita ko sa labas ng unit ko kung di ay isang babae na mas bata sa akin

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon