Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1

13.2K 167 29
                                    

LUKE P.O.V.

Tumigil ako sa aking pagtakbo, siguro naman hindi na sila makakasunod sa akin. Umupo ako saglit sa isang tabi para magpahinga, bahagya pa kasing sumasakit ang mga sugat ko.

Napahimas ako sa aking noo at napaisip. 

Bakit ba ang daming humahanap sa babaeng yon? Ano bang meron sa kanya? pati ako nadamay sa paghahanap nila dahil lang sa pagligtas ko sa kanya. 

Nung una, tatlong bampirang parang espasol ang mukha dahil sa sobrang puti. Pangalawa, isang Thraun Byako na may pulang buhok tapos ngayon isang grupo na may kasamang Epsilon ang humahanap sa kanya.  

Ginulo ko yung buhok ko at huminga ng malalim.

Arrgh!! Dahil sa mga nangyayari... hindi ko maiwasang magisip kung ano meron sa babaeng yon. Hay!!! Wala na akong pakielam don, basta ginawa ko ang dapat gawin para makaiwas.

Baka naman may pabuya... 

Hinde! hindi puwede... nangako ako sa kanya.

Hay!! Sayang naman!! 

Hinde!! Hindi ka ganon Luke. 

Bigla akong nakaamoy at nakaramdam na may nagmamasid sa paligid kaya tumayo na ako at nagsimula ng maglakad. May kailangan pa akong gawin, tiyak naghihintay na sila sa akin.

Bago pa ako makalayo sa aking inupuan may humarang sa aking harapan.

Hay!!! napakamot ako ng ulo "Ano na naman ba? hinahanap niyo rin ba siya? Huwag na kayong magsayang ng oras sa akin, wala akong alam."  

Napansin kong nagkatinginan sila at para bang hindi nila alam ang mga pinagsasabi ko. 

"Okay... mali ang sinabi ko, iba ang pakay niyo sa akin." mukhang sakit ng katawan ang gusto ng mga ito, kita kasi sa mukha nila na gustong gusto nila akong durugin ng pinong pino.  

Huwag naman ngayon, wala pa akong sapat na lakas. Kakagaling ko lang sa Famfight.

Ngumiti yung isang Selsa Wolf na parang hollow blocks ang katawan "Ito ba yung nakapatay kay Sabey?" tumawa siya ng malakas "naka-tsiyamba lang ata ito manalo eh." tsiyamba ba ang tawag niya dun? 

Baguhan lang kasi ako sa Famfight at naipanalo ko ng sunod sunod ang mga laban kaya parang gulat na gulat ang iba at natalo ko pa agad si Sabey na mahigit sampung taon ng lumalaban sa Famfight. Tsh! kasalanan ko bang pinanganak silang mga lampa.

Tumawa ako ng malakas "Ou mga pare! tsiyamba lang yun... pero kapag kayong tatlo ang nakalaban ko sa susunod na Famfight sisigurduhin kong hindi na tsiyamba." tumingin ako ng seryoso sa kanila "dahil ngayon palang masasabi kong mga mahihina kayo." bigla ko silang nginitian "Oh... pano kita kita nalang sa susunod na laban." hindi ko naman sila papatulan, wala naman akong makukuhang gil sa kanila.   

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon