Chapter 55 : Mortal World

4.9K 190 40
                                    

CLYDE P.O.V.

Nakatulala lang ako sa kawalan. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari.

Umalis siya na may sama ng loob sa akin.

Ang totoo niyan ayoko talaga umalis si Alice. Ayoko siyang pumunta sa dating mundong kinalakihan niya pero pano kapag nanatili siya dito? Ayokong mapahamak dito si Alice kapag nalaman nilang isa siyang Soul Eater.

Ayoko mapunta siya sa Zorvas Doom.

 

“I can’t imagine… she’s already… ugh! Hindi ako sanay na wala siya.” Narinig kong sinabi ni Prince Azera habang kausap si Montblanc.

 

“Kahit ako Third Prince.” Malungkot na sinabi ni Montblanc.

Everyone is quiet, everyone feels sad, and everyone feels incomplete. Lalo ako… I feel so useless and hatred.

And… a part of me is missing.

Kaya ko pang palabasin si Alice sa portal pero dahil sa soul eater na yon! Hindi ko nagawa.

 

 

*FLASH BACK*

 

Nang makarating ako sahall ng kaharian.

 

“Alice!” naabutan kong sumisigaw ang prinsesa.

Nakita kong nakapasok na sa portal si Alice pero agad akong nagtungo ditopara mahawakan ang kanyang kamay.

Sh*t! Pati ako nasasama sa portal. Masyadong malakas ang pwersa.Naramdaman ko nalang may pumalupot sa bewang ko. Isang makapal na vines at mukhang si Montblanc ang may gawa nito.

Anong ginagawa niya dito?Hindi talaga siya nakikinig.

 

“Pigilan niyo ang Soul Eater!” napatingin ako sa sigaw ulit ng prinsesa. Agadna kumilos sina Prince Azera, Martha at Montblanc.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari… basta ang tuon ko lang ay mailabas sa portal si Alice.

Alam kong tamang umuwi sa mundo nila pero may parte sa akin na pumipigil sa desisyong yon o sadyang hindi ko kayang wala si Alice sa aking tabi.

 

“Too Late!” ngiting sinabi ni Orrl.

May kung ano siyang hinagis sa ere at sa pagkalapag nito sa lupa isa-isa itong nagtransform ng mga goblin at ang iba ay mga malalaking gagamba.

Handang sugurin kami, samantalang si Orrl prenteng naglalakad patungong portal.

Maraming Goblin at gagamba kaya hindi mapigilan nila Prince Azera si Orrldahil pinoprotektahan siya ng mga ito.

Sinugod ako ng mga Goblin… dahil sa dami nila,nagawa nilang maputol ang makapal na vines,hindi ko na nagawang mahawakan ng mahigpit si Alice at kahit ayokong siyang bitawan…

Nakakalungkot kong sabihin… nabitawan ko parin siya.

 

“Alice!”

Nabaling ang pagkainis ko sa mga Goblin at gagamba kaya walang natirang buhay sa paligid ko.

Nang makita kong malapit ng higupin si Orrl ng portal, sumugod agad ako sa kanya para pigilan siya.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon