Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2

13K 147 16
                                    

ALICE P.O.V.

Nakarinig kami ng isang pagbasag na salamin at mula sa loob ng aming tinutuluyan para batayan si Luke nagkaroon ng isang makapal na usok.

Ito ang dahilan kung bakit hindi namin makita ang isa’t isa, ito rin ang dahilan kaya kami nahihirapan huminga.

Naghahanapan kami ni Clyde mula sa makapal na usok.

Isang anino ang aking nakita, gumaan ang loob ko ng inaakala kong si Clyde ang papalapit sa akin.

Pero ng maalis ang usok na tumatakip sa kanyang mukha, mabilis na akong dinalaw ng takot.

Nakita ko na siya noon.

Ang lalaking may peklat sa kanyang kanang pisngi.

Ngumiti siya ng nakakatakot. “Nakakatuwang nagkita ulit tayo.”

Panic Attack! Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo palayo sa kanya pero bigla akong binuhat ng kanyang malalaking braso. “Aaaaaaaahhh!!! Clyde!” Tumalon siya sa bintana habang bitbit ako.

Nakita kong dumungaw si Clyde sa bintana.

Hinabol niya kami, malapit na sana kami niyang maabutan pero biglang may humarang sa kanyang harapan at sa tingin ko kasamahan yun ng dumukot sa akin.

Hindi ko alam kung ano nangyari sa kanila pero ilang sandali lang, nakikita ko ng sumusunod sa amin si Clyde. Napansin naman yun ng lalaking dumukot sa akin kaya lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagtakbo at pumunta sa masukal na kagubatan.

Habang palayo ng palayo kami, hindi ko na nakikita si Clyde na sumusunod sa amin.

“Argh! Bitawan mo ko!!! Bitawan mo ko!!!” hinahampas ko siya.

“Tumigil ka! Kapag hindi ka tumigi---” hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang may bumanga sa amin.

Sadyang mabilis kumilos ang taong lobong dumukot sa akin, kahit gumulong kami sa pagkakabangga sa amin, nagawa parin niya akong makuha at tumayo na parang walang nangyari.

Habang sakal-sakal ako ng kanyang braso. Nakita ko si Clyde sa aming harapan sampung hakbang lang ang layo niya sa amin.

“Tsk. Tsk. Tsk. Iba talaga ang nagagawa ng pagibig… gagawin ang lahat para mailigtas lang ang minamahal.” Hinihimas niya ang aking mukha gamit ng kanyang likod na kamay.

“Alisin mo nga yang nakadiri mong kamay!” sabay hawi ko dito. “Bitawan mo ko!!” pumapalag ako sa pagkakasakal niya sa akin pero lalo pa itong humihingpit.

“Bitawan mo siya!” Sigaw ni Prince Azera na may hawak na wand. Hindi ko alam kung pano siya nakahabol pero at least dalawa na sila magliligtas sa akin.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon