Chapter 15 : Fairies

15.3K 180 7
                                    

Enjoy reading!!! ^__^V

++++++

ALICE P.O.V.


“Clyde! Itigil mo yan! Ano ba nangyayari sayo!---” pilit niyang inilalapit ang mukha niya sa leeg ko para bang wala siya sa sarili “---Montblanc! Sha! Tulungan niyo ako si Clyde!” hinawakan niya na ang dalawa kong kamay at pinahiga sa kama

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, nakita ko ang unti unting pagasul ng kanyang mga mata


“say yes.. Before I force you”

Pumapalag ako, pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko “No!!!Clyde!...Stop doing this!!” pawis na pawis siya at hinahabol niya ang kanyang paghinga, alam kong nanghihina siya pero hindi ko parin kaya ang lakas niya para makawala sa mga kamay niya

Lalong naging seryoso ang mukha niya at nakikita kong unti unting lumalabas ang kanyang mga pangil

Mukhang hindi ko gusto ang susunod niyang gagawin “Montblanc!!!,Sha!!!” kakagatin niya na sana ako sa leeg ng may biglang sumigaw


“OBLITUS!!!”nakita ko na parang may spark na tumama sa ulo ni Clyde at wala na siya ng malay  


“Alice, Ayos ka lang ba?---” tumungo lang ako kay Montblanc “---kuya Sha, dalin mo si Alice sa kwarto niya at gamutin mo, ako na bahala dito kay Clyde”

===

Hindi ko inaasahan na magkakaganun si Clyde, bakit gusto niya ang dugo ko? Katulad din ba siya ng mga taong lobo na gusto akong kainin? pero hindi, kung gusto man niya akong kainin matagal na niya sana ito ginawa   


“Grabe ang sugat mo sa leeg, salbahe talaga mga omegas na yan!!” nakapamewang si Sha at nakasimangot, ikinuwento ko na kasi ang lahat ng nangyari sa amin, kung paano ko nakuha ang mga sugat ko sa leeg at ang nangyari kay Clyde

Nakahiga ako sa kama habang ginagamot ang buong katawan ko bukod kasi sa sugat ko sa leeg meron din akong galos sa ibang parte ng katawan

 “Aah!” nasakatan ako bahagya

Nagulat ang fairy sa daing ko, pumunta siya sa mukha ko at magkapatong ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib na para bang humihingi ng sorry


“Kasi!! Ayusin niyo ang paggagamot sa kanya!!!” sabi ni Sha sa mga fairies

Sabay – sabay na humarap ang mga fairies kay Sha at pumamewang, may sinasabi sila pero hindi ko maitindihan

Umatras si Sha at ngumiti “hehehe… ang sinasabi ko ang gaganda niyo”


ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon