Chapter 6 : Helping hand

18.1K 269 20
                                    

I dedicate this to loveatfirstcrush

she's my very cute friend hehehe..and she's also a good writer if you want romance and kulet story don't hesitate to go to her profile hehehe...thank you friend enjoy reading ... 

++++++

ALICE P.O.V.

Hinahabol kami ng malaking Toro, pasalamat ako ngayon dahil hindi pa katapusan ng buhay ko buti nalang iniligtas ako ng lalaki na hindi ko pa nakikilala


“A-ah N-NOTRIUMZ!!!!??” nagkamot siya ng ulo

Lumaki ung isang sungay ng Toro dahil sa bigat tumabingi ang katawan niya pero patuloy parin ito sa pagtakbo


“DO-DO-DONIMUS!!!!???”

Lumaki ilong ng Toro, lalo itong nagalit at sumigaw ito ng pagkalakas lakas na gumimbal sa aming dalawa

Sunod sunod na yung mga pinagsasabi niyang hindi ko maitindihan pero hindi ito tumatalab sa humahabol sa amin  


“MONcho!!” ano daw matcho?


“LAPELYA CONTRINIO!!!” huh? Lapel sa Cortina?

Tumigil na siyang magbanggit ng mga salita at umiling

May hinahanap siya sa kanyang shoulder bag 

Ano nanaman klaseng nilalang itong kasama ko? Bakit meron siyang kapangyarihan? 

Ang ganda ng pagkasagip niya sa akin kanina parang superhero lang

pero nung sumunod na….pangyayari

*FLASHBACK*

“GURUFUS LAMINO!!” pagkatumba ng Toro pumamewang siya, sakto may coat siya

Superhero ang dating

Lumapit siya sa akin “Are you alright, beautiful lady” *cool voice effect*

Syempre ako naman natameme, parang ang sabi ko sa sarili ko your my hero

Tumingin siya ng seryoso sa Torong bumabangon, naexcite naman ako kung pano niya ulit papatumbahin yung Toro

Dahil sa liwanag na tumama sa kanya nagiwan ito ng sugat sa kanyang tagiliran, habang nakatitig sa amin ang kanyang mapupulang mata nakikita kong may kung anong usok ang lumalabas sa ilong ng Toro

Tumingin yung lalaking nagligtas sa akin at lumaki ang kanyang mga mata

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now