Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion

12.9K 151 26
                                    

ALICE P.O.V

Pinilit kong tagalin ang tali sa aking kamay kaya lumuwag ito kahit papaano. Nagawa ko itong maalis pero ramdam ko ang hapdi sa aking mga wrist.

Isinunod ko naman tagalin ang tali sa paa ko.

Walang ibang labasan ang silid kundi ang pintuan lang.

Hindi ko ito basta mabubuksan dahil nakalock ito sa labas.

Sumilip ako sa gilid ng pinto para tignan kung nasaan ako. Madilim ito at tanging hagdan lang ang nakikita ko. Wala akong ibang kasama kung di mga peste na nagtatago sa dilim at maruming lugar.

Sandali may naisip ako… kinapa ko ang mga bulsa ko.

“Hay, salamat hindi ka nawala.” Lubos akong nagpapasalamat sa nagbigay sa akin nitong Fern Flower Tablet.

Kaya lang, napakalaki nito para lunukin ko.

Lalo na… walang pantulak na tubig kaya inisip kong hatiin ito sa gitna at saka lunikin ang kalahati nito.

Isusubo ko na sana ang kalahati pa nito pero nakarinig ako ng mga nagsasalita. Paparating sila sa silid kung saan ako nakakulong.

Itinago ko agad ito sa aking bulsa at kumuha ng pangdepensa sa sarili ko. Nakakuha ako ng isang stick. Alam kong hindi ito sapat para ipanglaban sa malalakas na tulad nila pero kahit papaano ipapakita ko sa kanila na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.

Palakas ng palakas ang kanilang mga boses ibigsabihin palapit ng palapit sila sa silid. Hindi ko naiwasang mapakinggan ko ang mga pinaguusapan nila, maihahalin tulad ang boses nila kay Sha, maliliit at matitinis.

“Ano ka ba!!! akin na yan!! Ibigay mo yan!!” nagtatalo sila? Ano naman ang pinagtatalunan nila?

Sa pagpasok nila sa maliit na butas galing sa pinto nanlaki ang mga mata ko, hindi ko inaakala na mabilis ang epekto ng Fern Flower Tablet.

“Akin ‘toh bakit ba!!”

“Ako ang unang nakakuha niyan!! Akin na yan!!”

Sa kanilang pag-aagawan gumulong sa gawi ko ang isang uri ng pagkaen na parang isang beans.

Sa pagkuha ko ng beans, nataranta sila ng nakita nila ako “Ahhhhh!! The giant!! The giant!!” the giant?? Yun ang tawag nila sa amin?

Nagtago sila sa mga sulok pero kahit hindi ko na sila nakikita naririnig ko parin ang pinaguusapan nila.

“Ikaw kasi!! Swerte na nga naging bato pa!! Eto ang bagay sayo!!”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon