Chapter 40 : Red Mist

12.5K 172 38
                                    

ALICE P.O.V.

Agad kaming pumunta sa Akhmou para makita ko ang kalagayan ni Prince Azera.

Isinama si Eliot sa Akhmou para imbistigahan ng mga nakakataas. Hindi ko alam kung bakit? Malalaman ko ang kasagutan kapag nagbalik sila Clyde.

Magkasama sina Clyde at Montblanc para sa pagpupulong. Maliban sa kanilang dalawa may kasama pa sila. Isa daw Head Master ng Nokama.

Habang kami ni Sha nandito sa kwarto ni Prince Azera kung saan siya nagpapahinga.

Isang Astropayn powder ang ginamit ng kalaban sa pagataki kay Prince Azera.

Sa pagpapaliwanag sa akin ni Sha ang Astropayn ay mahahalintulad sa isang Berries pero isang Poisonous Berries na ginawa nilang isang powder. Kapag nalanghap mo ito may kakayahan itong makaparalyze ng buong katawan at kapag nagtagal unti unting titigil ang pulso ng taong nasabuyan nito.

Nagpapasalamat ako dahil naagapan at hindi kumalat sa buong katawan ni Prince Azera ang lason.

“Nakakainis nga si Dinah! Akalain mong kaanib pala siya ng mga SoulEater!” Hindi ko namamalayang nagsasalita pala itong si Sha. Lutang parin kasi ang isip ko.

“Akala mong mabait! yun pala may itinatago!!” napatingin ako kay Sha sa sinabi niyang YUN PALA MAY ITINATAGO.

“May itinatago palang kasamaan!!!” Ikinuwento ni Clyde ang mga nangyari sa kanya. Sa kanilang dalawa ni Dinah. Nagulat silang lahat ng nalaman nilang isa pala siyang Soul Eater at isa ito sa dahilan ng pagpupulong ng mga taga Akhmou.

“Alice, nung kinuha ka ng mga Soul Eater Omegas at isang Beta ano ginawa sayo? Sinaktan ka ba nila? Tinanong ba nila ang tungkol sa princessa? Kaya ka ba kinuha dahil sa princessa? Dahil may alam ka sa prinsessa? Pano ka nakalabas sa Labyrnith Mansion?” Ang daming tanong ni Sha at partida parang hindi siya huminga sa mga tanong na sinabi niya.

Napaisip ako. Sasabihin ko ba kung ano ang mga nangyari? Ang detalye ng nangyari?

Sasabihin ko ba na kung sino talaga ako?

Sasabihin ko ba na anak ako ng… SOUL EATER? Na ako DAW ang papatay sa Archangel Princess!!?

Hindi ko kayang ipagtapat ang katotohanan at hanggang ngayon hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan.

“Ui! Alice!” napatingin muli ako kay Sha. “Nagtatanong ako at tinatanong kita ng tinatanong pero hindi ka naman sumasagot sa mga tanong ko. Ayos ka lang ba?”

“A-ah… O-ou… A-ayos lang ako.”

“Magkwento ka kung ano nangyari sayo… Kasi kanina pa ako daldal ng daldal dito kung ano nangyari sa amin dun pero ikaw…” Tama ang sinabi ni Sha kanina pa siya kwento ng kwento sa nangyari sa kanila. Kung pano sila nakapasok at pano nakalabas. Kung paano nila natalo ang Boomer Hollow at nakaligtas.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon