Chapter 16 : Sphinx

15.4K 200 20
                                    

i dedicate this chap. to KhrisZayn22

Diba sabi ko may ipapadedicate ako sayo yung magandang chap. hehehe ito na sa tingin ko magandang chap. sa akin ahahaha!! sa tingin ko lang namn..hope you like it! ^__^V

for the readers ..Don't hesitate to go to her Profile and read her wonderful stories.. nose bleed nga lang ako..hehehe..pero she's a good english writer,,^__^V

Share lang: this chap. base to my own dream ..meron lang nabago konti..hehehe kaya para sa akin maganda itong chap. para sa akin lang naman...

Enjoy reading!!

+++++

ALICE P.O.V.

Sinasabi ko na nga ba!! Hindi ako sasama!! Dito nalang ako!!!


“Hoy! Engot ano pa ba tinatayo mo diyan!” nakatalikod ako kay Clyde

*pout* “Ayoko! Iintayin ko nalang kayo dito” nandito nanaman kami sa harap ng pader

Hindi ito yung pader ng Metru Nui na pinasukan namin dati pero ganun padin pader padin ang papasukan namin, malay ko ba kung ano na naman ang nasa kabilang pader na yan

Sa lahat ng ayoko ay ang subukan ulit na dumaan sa pader na yan


“Alice! tara na!” sigaw sa akin ni Sha “Clyde, mauna na kami!” paalam ni Montblanc

Nauna na silang pumasok sa pader, Bakit ba kaya nilang sikmurain ang pagpasok sa pader


“Alice!” seryoso na boses ni Clyde, bahala siya hindi talaga ako papasok diyan


“Magpapaiwan nalang ako o kaya uuwi nalang ako, have a nice trip” ngumiti ako at nagumpisa ng maglakad papalayo sa kanya

Sa sunod kong hakbang nakita ko si Clyde, nasa harap ko na! pano niya nagawa yun “Saan ka pupunta?”


“Binge ka ba! ang sabi ko –woooa---” bigla niya akong binuhat, binuhat na parang sako! “--- Ibaba mo ko!! Ayoko sinabing sumama! Hindi ka ba nakakaintinde! A-Y-O-K-O!” pinaghahampas ko likod niya  

Sa pagdaan namin sa pader ibinaba na ako ni Clyde nanghina at nahihilo ako, gusto kong sumuka, nagrambulan nanaman ang mga bituka ko sa tiyan, Medic! Medic! Kailangan ko ng Medic!!!

Hinawakan ako sa balikat ni Montblanc “Bakit namumutla ka?”tanong niya, sabay tanong din ni Sha  “Alice, ayos ka lang ba?”

Ngumiti lang ako sa kanila, ano bang mga tanung yan! mukha ba akong ayos?

Pagtingin ko sa paligid, nakita ko ang iba’t ibang hayop na may pakpak, ginagamit nila ito para sa transportation

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon