PROLOGUE

71.5K 704 87
                                    

ALICE

Welcome to the world of Sanctuary Chaos

Author: Ms. Purple Angel

Genre: Fantasy, Adventure, Action, Romance, Drama, Horror, Supernatural, Comedy

Types: Tagalog-English  

PROLOGUE

SHIIIIIIINNNNNGGGG!!!!

May kung anung liwanag ang bumalot sa aking pinagtataguan.

SPLASH!!!!

Blop! Blop!

Hindi ko na matagalan, hindi na ako makahinga, Tulong! Tulong!, Hindi ako makalangoy may kung anung bagay humihila sa akin pababa.

Hinawakan ko na ang leeg ko dahil ilang minuto nalang mauubusan na ako ng hininga, sumisikip na ang dibdib ko kailangan ko na ng hangin! Ayoko ko pang mamatay!

Tulong! hindi ko na kaya.

Hindi ako makakapayag na….

Umabot na sa limit ang hangin ko, pumalag ako dahil gusto ko ng makaalis sa kinalalagyan ko, nakalunok na ako ng tubig, nakaramdam na din ako ng panghihina at unting unti dumidilim ang paningin ko …….

Isang Liwanag….

Patungo na ba ako sa langit?

Ang Liwanag naging hugis bola.

Unti - unti siyang nagiging pula biglang umiinit ang paligid gayon din ang aking katawan.

Pilit kong inaninag ang nagliliwanag na bola.

Bigla naman itong nagliyab.

Isang Apoy ..

Na… na..NAPAPALAPIT SA AKIN!! Waaaahh!!!

Cough! Cough! Cough!

Napabangon ako sa pagkakahiga ko, nailuwa ko ang tubig na bumara sa aking lalamunan dahilan para makahinga ng malalim.

Dahan dahan kong hinawakan ang aking pisngi, naramdaman ko ang init ng aking kamay.

hindi pa ko patay!

Arrgghh!!  sumakit yung sugat ko sa braso at nakakapaso din ang sikat ng araw.

May nahulog na dahon sa harapan ko, kahit na masakit ang aking katawan pinilit kong tumayo para tignan ang paligid.

Sa pagkakatayo ko nanlaki ang aking mga mata dahil sa mahiwagang aking nakikita.

“N-nasaan ako?”

~^_^~ thanks for the reads! ~^_^~

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon