Chapter 28 : Crystal Eye

14.1K 161 26
                                    

Nakatulala ang Kamahalang Tahlia sa malaking salamin, tinitignan niya ang kanyang tumatandang mukha. Dahan dahan niyang hinahawakan ang kulubot sa gilid ng kanyang mata at tila nalulungkot sa kanyang nakikita.


Revenge us.

Naalala niya ang kanyang nakaraan at unting unti nagiging matapang ang kanyang mukha.


Revenge us!

Naalala niya ang babaeng sumisigaw sa kanyang harapan.

Ang kanyang Ina.


Revenge US!!!

Pumikit siya at inalala ang lahat ng mga nangyari ng siya ay limang taong gulang pa lang.

Nagmamadali ang kanyang ina sa pagiimpaki ng mga damit at gamit. Pero napahinto ang kanyang ina ng may narinig na pagsabog sa ibaba ng kanilang bahay. Ibinaba agad ng kanyang ina ang mga inimpaki niyang gamit.

Kumuha siya ng isang goblet at agad niyang nilagyan ng gatas. Iniharap si Tahlia ng kanyang ina sa isang salamin.


“This spell will make you powerful and protect you.”

Biglang hiniwa ng kanyang ina ang maliit at malabot niyang palad. Tumulo ang kanyang dugo sa goblet na may lamang gatas.

Napaiyak siya sa sobrang sakit. Pinatitig siya ng kanyang ina sa salamin.


“Your beauty is all that can save you. Drink this.”

Kinuha niya ang goblet na ibinibigay ng kanyang ina at saka niya ininom. Habang iniinom niya ito, her mother chants the spell.


Spirits of darkness…


These words I say with dark magic today.


Let the dark magic I’ve laid, go forth and not fade.


Circle of reflection


Circle of protection


Feel the power of this…

Biglang bumukas ang pinto, nagulat si Tahlia ng may pumasok sa kanilang kwarto at nagpakawala ng spell para makoryente ang kanyang ina.

Lalapitan niya sana ang kanyang ina pero binuhat siya ng isang kawal.

Nakita niya ang kanyang ina na gumagalaw at nagkakaroon na ng malay. Nang tumayo ang kanyang ina agad namang kinuha siya ng mga kawal at tuluyan ng inalayo sa kanya.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon