Chapter 27 : Goblin and Dark Raven

13.8K 156 16
                                    

CLYDE P.O.V.

Tumigil na si Alice sa kanyang pagiyak pero hindi parin humihinto ang pagluha ng kanyang mga mata. Kapag tinatanong ko kung ano ang mga pinakita ni Vhisola sa kanya, naririnig kong nagiiba ang tibok ng puso niya at lalo pa siyang lumuluha.

Sa tingin ko sa ibang araw ko nalang siya tatanungin tungkol dito. Sa araw na… kaya niya ng sabihin ang lahat.

Pagkalabas namin sa templo, nagtaka ako dahil ang bilis naman dumilim, hindi ko inaasahan na malapit na palang gumabi. Kailangan na namin bumalik sa kaharian ng Nokama.

Habang naglalakad kami papunta kung saan kami ibinaba ni Grego. Napansin kong malungkot pa din si Alice, walang imik at namumugto ang mga mata.

Tumingin ako sa paligid baka sakaling may bagay na magpapasaya sa kanya at hindi naman ako nabigo. Binili ko ang bagay na nakita ko at ibinigay sa kanya. “Ehem… sa tingin ko magugustuhan mo ito.”

Tinitigan niya yung bagay na binili ko at saka niya ito kinuha pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya dito.

Ang cute niya para siyang bata. Titigil na sa pagiyak at sasaya na kapag binigyan ng lollipop.

Pero… maya maya… napansin kong nagsisimula na naman siyang umiyak. Nagulat ako “Te-teka Alice… Ba-bakit ka na naman umiiyak, hi-hindi mo ba nagustuhan?” taranta kong sinabi sa kanya habang hawak ko ang mga balikat niya. Lintik! mas malala ang iyak niya ngayon kesa kanina. Napansin kong nakatingin sa amin yung mga dumadaan at umiiling sa akin.

Tsh! Putulin ko mga ulo niyo diyan! Wala akong ginawa dito!!

Nawala ang pagkataranta ko ng bigla niya akong niyakap. “Alice… Kung---” napatigil ako sa aking sasabihin dahil nakaramdam ako ng panganib. “Kailangan na natin umalis.”

Nagiba ang timpla ng kalangitan para bang may paparating na bagyo. Kahit ang mga tindero, tindera at mamimili sa Metru Nui nakaramdam din na may paparating na panganib, mabilis silang nagligpit at naglakad palayo.


“Clyde, bakit nagmamadali silang magligpit?” nagtatakang tanong ni Alice.


“Bilisan natin. Kailangan na nating puntahan si Grego at makaalis sa lugar na ito.”

Biglang sumigaw ang isang babae at turo turo ang langit. Pagkatingin ko sa langit. Nalintikan na! Isang kumpol na Dark Raven ang papunta sa Mertu Nui.

Hanggang sa sunod sunod ng nagsisigawan ang mga tao sa paligid dahil may mga Goblins ding umaatake habang ang mga Dark Raven naman kinuha nila ang mga nakikita nilang nagtatakbuhan pero bakit halos lahat ng kinukuha nila ay puro babae.

Inalayo ko agad si Alice sa mga Dark Raven at Goblins.


ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon