Chapter 54 : I'm not yet ready

5.5K 198 81
                                    

CLYDE P.O.V.

“Arescies!!” dahil sa air chant ng Former Matua Warrior natanggal ang lahat ng itim na usok sa paligid. “Clyde! Ayos ka lang ba?” pagtatanong niya sa akin habang tinupi niya ang kanyang pamaypay na sandata.

“Ayos lang ako.”Napahigpit ako ng hawak sa telang kinuha ko.  Sa unti-unting pagtanggal ng usok bumungad sa akin ang kaharian ng Morbuzakh.“We need to keep going.”Sana hindi pa huli ang lahat.

Napalingon kami sa isang ungol.

“Eliot!” sigaw ni Montblanc. Pinuntahan namin siya, kapansinpansin ang gagamba sa kanyang bibig.

“Eww… that’s gross.”komento ni Yenma.

Tinanggal ko agad ang gagamba sa kanyang bibig at si Martha naman ang pumatay nito.

“Sundan niyo agad sila! Alam ni Orrl ang tungkol sa dark warriors, may balak siyang palabasin to! Arrgh!”napahawak siya sa kanyang kanang paa.

“Dark warriors? The Maju warriors?” ulit ni Martha.

Ako. No comment. Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na yan o sa kanila.Warriors? Dark Warriors?

“Kumakalat na sa kanya kanang paa ang dark spell.” Napaluhod si Montblanc para pagmasdan ito. “At hindi ito pangkaraniwang dark spell lang.”

“Yes! Legend dark warriors! Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung sinabi niyo agad na ito’y isa rin sa inyong misyon. Bakit hindi mo tinanggal ang iyong mascara para magpakilala sa akin Third Prince? Nagpanggap pa kayong isang manlalakbay.”Muling pagpapaliwanag ni Eliot.

“Tsh! ulol ka ba? sa tingin mo magpapakilala basta ang prinsipe sayo?”inis ni Luke.

“Hindi ba nakarating ang mensahe sayo!?”

“Mensahe?” nagtaka kami sa sinabi ni Eliot.

“Nalaman kong kasama ka sa misyong hanapin ang prinsesa, misyon ko namang hanapin ang mga rebeldeng bampira at pigilan ang kanilang balak.Sinabi ko sa mga nakakataas ng Akhmou na iparating sa iyo ang mensaheng makikipagtulungan ako sa prinsipe dahil nasa prinsesa ang susi para mapalabas nila ang Dark Warriors.”Pagkakasabi ni Eliot.

“Walang nakarating sa akin.” Sabi ni Prince Azera.

“The Head Master Nokama is even there, dapat sinabi niya ito sayo.”

Nagulat kami sa sinabi ni Eliot, nakausap ko rin ang Head Master Nokama ng oras na iyon pero wala siyang binaggit sakin tungkol dito.

“Ok… that’s suspicious. Wait… Thi-This… Maju Warrior? It’s just only a legendary tale. Right?” pangsasang-ayon na tanong sa amin ni Montblanc. “They don’t even exist.”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon