Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert

12.7K 158 22
                                    

 ALICE P.O.V.

Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa matandang dumadaing sa sakit ng nararamdaman niya.

Habang nagtitigan kami sa isa’t isa nakikita ko sa kanya ang matang mapanghiganti. Ibang iba siya nung nakilala ko siya sa hardin ng mga flower sprite pero habang tumatagal may napansin akong kakaiba sa kanya.

Nagbabago ang kanyang kalahating mukha. Nagimbal ako sa aking nakikita. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakakita nito? O pati din sila Clyde. Ang kalahati ng kanyang mukha ay sunog at halos nakikita na ang kanyang laman dahil sa balat na natanggal.

May kinalaman ba ang red mist sa pagbabago ng kanyang kalahating mukha? Habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa sunog ng parte ng kanyang mukha. Dun ko nakita ang tunay niyang hinanakit para bang may nagkulong sa kanyang kaluluwa.

Bigla akong naawa.

“Lola…” hahawakan ko sana siya para tulungan pero pinigilan niya ako at naramdaman ko nalang hinila ako ni Clyde para ilayo sa matanda.

Napatingin ako sa mga nagsigawan na taong lobo dahil may lumalabas na naman na tinatawag na red mist sa antique jar ng lalaki.

Kinabahan ako dahil alam ko… sa akin ang isang usok na yon.

Napakapit ako kay Clyde. “Cl-Clyde… a-alis na tayo.” kabado kong pagyaya sa kanila. Hanggang sa nakalabas na ang usok sa jar at gaya ng kanina pumunta ito sa lupa parang ahas na nakawala.

Kitang kita kong papunta sa aking direksyon ang usok.

“Beta!! Ang jar!!” napatingin ako sa isinigaw ni Clyde. Hinahanap ko yung sinasabihan niya at nakita ko binasag agad ng beta ang hawak na jar ng lalaki.

Sa ginawa ng Beta nawala na parang bula ang usok kahit sa mga mukha ng tatlong babae.

“Anong ginawa mo!” sigaw ng lalaki na may ari ng antique jar.

“Tumigil ka! Dahil sa ginagawa mo natatakot sila.” Sigaw ng isang Alpha.

“Dapat talaga kayong matakot dahil mga soul eater ang mga yan!” sigaw ng lalaki.

Nagtinginan ang marami sa tatlong babae na nalagyan ng red mist sa mukha na ngayo’y nakatayo na.

Agad nabiling ang tingin ko sa matanda na nakatayo sa aming harapan. Halos lahat na nakapaligid sa kanya ay lumayo kabilang na kami nila Clyde at Montblanc.

“Maniwala kayo sa sinasabi ko!” dutong ng lalaki.

Parang may namumoong tension sa buong lugar. Hindi alam kung anong susunod na gagawin at parang naghihintayan sila ng mga galaw.

Nasa mukha ng lahat ang gulat at takot.

“Mga Soul Eater sil---” hindi natuloy ang pagkasabi ng lalaki dahil sa isang babaeng sumigaw.

“Shut up!!! Huwag kayong maniwala sa kanya!! May diperensya siya sa utak!! Isang baliw!” isa siya sa babaeng nalagyan ng red mist sa mukha.

“Maniwala kayo!! Hulihin niyo sila!” pero wala paring gumagalaw sa mga beta at alpha. “Kailangan pa bang patunay para maniwala kayo sa sinasabi ko!” nagbago ng anyo ang lalaki, naging werewolf ito at sumugod sa kinatatayuan ng babae.

“Arrggh!!! I will rip your soul!!! You faggot!!!”

Nagulat kami sa isinigaw ng babae at sa kanyang ikinikilos, naglabas siya ng hindi pangkaraniwang wand at nagcast ng dark spell dahil dun napatunayan ito na ka-isa siya sa Soul Eater. Sumunod ang ibang nakakataas na taong lobo sa pagsugod sa babae.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon