Chapter 23 : Invisible Cloth

14.6K 161 30
                                    



“Ruuwwaaaaaaaghhhh!!!!” Nabulabog ang mga uwak sa palasyo ng sumigaw ang kamahalan.

Lumapit siya sa bihag niya. Nakadikit ito sa pader at nakapulupot sa malalaking ugat. Gustong kumawala ng bihag pero sadyang malakas ang kapangyarihan ng kamahalan. “Sinira mo ang plano ko!!!!” galit na galit na sinabi ng kamahalan.

 

“Sinira ko ba? o sadyang palpak lang ang plano mo.” Walang kagalang galang na sagot ng bihag.

Dahil sa inasal ng bihag, lalong nagdilim ang mga paningin ng kamahalan. Pinagalaw niya ang mga ugat sa leeg ng bihag at unti-unti itong humihigpit. “Iniinis mo talaga ako matandang Morbuzakh.”

Ngumiti ang Morbuzakh. “Sadyang nakakasindak ang iyong mukha kamahalan, pero kitang kita sa mga mata mo ang lubos na pagkatakot. Aaah… Alam ko na… Malapit na ang dalawangpu’t isang taon ng kabilugan ng buwan. Hindi mo pa ba nahahanap ang nakatakda na papaslang---” hindi niya na natuloy dahil sa humigpit ang ugat sa kanyang leeg.

Tumawa ng malakas ang kamahalan “Nakakatawa ka talaga Ducan. Ang Prinsesang Morbuzakh ba ang tinutukoy mo. Ang walang kwentang Prinsesa.” Tumawa ulit siya ng malakas na umeeco sa malaking silid. “Ang nakatakda na sinabi mo ay tuluyan ng mabubura dahil hawak ko ang Prinsesa Morbuzakh.”

Nagulat si Ducan sa kanyang mga naririnig. “Hinde!!! Hindi ako naniniwala sayo!!”

 

“Wala akong pakielam kung hindi ka naniniwala Ducan. Siguro sa mga oras na ito, umaagos na ang kanyang fairiest blood. Hindi na ako makapaghintay na ibigay sa akin ang kanyang fairiest heart.” Biglang sumimangot ang mukha ng kamahalan “Lubusan na sana akong magiging masaya kung hindi ka humadlang sa pagkuha sa babaeng yon!!!”

 

“Sino?” tanong ng Morbuzakh, tumingin ang morbuzakh sa kanyang kanan na para bang may kinakausap “malay ko, sino ba tinutukoy ng bruhang yan?”

 

“Argh!! Ang tinutukoy ko ay yung babaeng mortal!!!” sigaw ng kamahalan sa Morbuzakh. “Sadyang siniswerte ang babaeng yon. Noong una gusto ko siyang patayin pero nagbago ang isip ko may mas maganda akong plano para sa kanya. Nang nalaman kong nasa mundo niyo siya, hindi ako nagdalawang isip na gawin ang ninanais kong mapunta siya sa palasyo ko pero dahil sayo tanda!!! Nabaliwala lahat ng ginamit kong kapangyarihan!!”

 

“Bihag mo na ang Prinsesa, bakit mo pa dinadamay ang inosenteng babaeng yon!? Ano ba kailangan mo sa kanya!?” 

 

“Wala kanang pakielam don!!! Bakit ba ang dami mong tanong ha! Tanda!”

Nalungkot si Ducan sa inaasal ng kamahalan. “Ano ang nangyari sayo Tahlia…” mahinahon na sinabi ni Ducan “Lubusan ka ng nilamon ng kadiliman. Ano ang nangyari sa dating Tahlia na matalino, mabait at malakas. Isa kang makapangyarihang Morbuzakh… Tahlia, bakit hinayaan mong lamunin ka ng kadiliman… ”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon