Chapter 18 : Counting Dance

15.3K 193 20
                                    

Hinabaan ko ang Chap. na ito for special day to all of you...^__^

enjoy reading...

+++++

ALICE P.O.V.

Sobrang laki ng Kaharian ng Nokama, hindi mo ito malilibot ng isang araw lang, ipinatuloy muna kami ni Prince Azera sa isang kwarto, ipinatatawag na kasi siya dahil dumating na ang Hari at Reyna ng Nokama, ilang oras na lang din malapit na nila isagawa ang pagdidiriwang at party ng Nokama.

“Alice ang sarap ng honey!! Gusto mo!!” alok sa akin ni Sha nasa ibabaw siya ng lamesa, pinapapak yung honey bigay ni Third Prince

“Kuya Sha, ayusin mo ang kain mo, ang kalat mong kumain! Nakakahiya! Wala ka sa bahay nasa kaharian ka ng Nokama” nagsisimula nanaman sila magaway

Napahinto nalang sila ng may kumatok sa pinto “A-ah.. sandali lang” sumagi sa isip ko na si Clyde ang kumakatok pero pag bukas ko isang matanda ang bumungad sa akin

“Magandang araw sa inyo… Ikaw ba si Miss Alice?” magandang matanda siya, napansin ko na may tatlo pa siyang babaeng kasama 

“O-opo, ako po yon, ano po kailangan nila” nakita kong naglabas siya ng wand, ikinumpas niya ito at may lumabas na parang glitters sa paligid

“Ako ang Fairy Godmother mo” Ano daw? May Fairy Godmother ako?

“H-hindi ko po maitindihan, bakit po ako magkakaroon ng Fairy Godmother?”

“yun po kasi ang sabi ni Third Prince” baliw talaga siya

“Pasensya na po, hindi ko po kailangan ng Fairy Godmother” isasara ko na sana yung pinto pero pinigilan nila ako, may binanggit silang spell at hindi na ko makagalaw 

“Patawarin mo po ako, mga mahalaga po kayong bisita ng Third Prince kailangan po talaga namin gawin ang ipinaguutos niya kung hindi… malalagot po kami” para akong manikin na binitbit ng mga alalay ng matanda at itinapat sa malaking salamin

“Sandali anong gagawin niyo sa akin? Montblanc! Sha! Tulu---” sa pagkumpas ulit ng matanda ng kanyang wand hindi na ako makapagsalita

“patawarin mo po ako ulit, kailangan po namin bihisan ka at pagandahin dahil ikaw po ang napili ng Third Prince makasama sa party” Teka! Wala akong natatandaan na, inalok ako ng Third Prince para makasama sa party, ang pagkakaalam ko inimbita lang kami sa party

“pano kami?” tanong nila Montblanc

“huwag po kayo magalala, kasama po kayo sa aayusan namin, uunahin lang po namin si Miss Alice”

May dalang dalawang bowl ng tubig ang mga alalay ng matanda, inilagay nila ito sa gilid ko, sa pagkumpas ng matanda ng kanyang wand unti-unting umaakyat ang tubig sa mga kamay ko papunta sa braso ko hanggang sa buong katawan ko

Sa pagbanggit ng matanda ng Spell nagliwanag ito at hindi ko naiwasang mapapikit

Narinig ko nalang na nagpalakpakan sina Montblanc “Ang galing mo! Fairy Godmother! Lalo pong nakita ang kagandahan ni Alice, the dress suit to her personality, pano po yan nagagawa? turuan ninyo naman po ako”

“Salamat po, pero tanging mga Nokama lang po ang nakakagawa niyan sa pagkakaalam ko isa po kayong Whenua---” idinilat ko aking mga mata “--- puwede na po kayong gumalaw Miss Alice”

Pagkatingin ko sa salamin, hindi ko nakilala ang sarili ko, ang ganda ng make over sa akin ni Fairy Godmother

Kulay jade ang dress na suot ko, silver lace sa aking mga kamay mula sa aking leeg, meron ding silver design mula sa aking bewang pababa ng dress maganda siyang tignan napaka elegante

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon