Chapter 17 : Nokama

14.9K 177 18
                                    

Enjoy reading..

+++++

ALICE P.O.V.

Naglalakad kami ngayon sa malawak at mahabang tulay, papunta kami ngayon sa kaharian ng Nokama nanduon daw ang sinasabi nilang Morbuzakh na makakatulong sa akin para makabalik sa mundo ko.

Nang makarating na kami sa malaking gate, napansin kong may malaki ding istatwa sa gilid ng gate.   

“Anooo ginagawa ninyooo ditooo sa kaharian ng Nokamaaa?” medyo napatalon ako sa malaking boses na nagsalita, Hay! hindi na ako nasanay sa mundo nila

“Karut at Marut … Ako si Alcolyte Clyde, naparito kami dahil kailangan naming makausap ang Morbuzakh.”

“aaaah.. ikaaaw si Clyde, angggg mahusay naaaa Alcolyte.” Tsh! Mahusay daw, dagdag nanaman yun sa kayabangan niya.

Nakita kong magkasalubong ang kilay ni Clyde nung tumingin siya sa akin, agad ko naman bumawi ng tingin, alam ba niya mga naiisip ko?

“Paumanhiiiinnnn niyoooo ginoong Alcolyte, hindi namin pooo kayo mapapasok na walang ipinaguutooos ang Hari at Reyna Nokamaaa.” kanina pa ako lingon ng lingon, saan ba nang gagaling ang boses na yun? kung sa dalawang istatwa naman, hindi ko nakikita ang kanilang bibig na gumagalaw.

Mukhang malabo ang pagpasok namin at makita ang Morbuzakh, masyado silang mahigpit.

“Karut at Marut, sige na papasukin niyo na kami, kailangan talaga naming makausap ang Morbuzakh.” pakiusap ni Montblanc.

“ipagpatawad ninyooo hindi pooo namin magagawaaa ang sinasabi niyooo.” unti-unting tinatakpan ang gate ng malalaking vines.

Hindi maari ito, kailangan talaga namin makausap ang Morbuzakh, para malaman ko kung makakauwi pa ako o hindi.

Susubukan ko naman kumbinsihin yung kinakausap nila Clyde “S-sige na maawa kayo K-karut at M-marut, kailangan talaga namin makausap ang Morbuzakh, wala naman kaming masamang gagawin, kakausapin lang namin ang Morbuzakh at aalis kami agad-” inintay kong may magsalita pero wala. “Karut? Marut? Please!” nakakaasar bakit hindi nila ako pinapansin.

“Alice, tara na gagawa nalang tayo ng ibang paraan.” awat sa akin ni Montblanc.

“Ano pang paraan? Nandito na tayo, ang Morbuzakh lang ang paraan para makauwi ako sa mundo namin-" humarap ako sa gate “Karut! Marut! Sige na papasukin niyo na kami nagmamakaawa ako.” wala paring boses akong naririnig, ilang beses na akong nagmamakaawa sa kanila pero wala parin..

“Papasukin sila.” napatingin kami sa nagsalita.

Isang lalaking natatakpan ang mukha dahil sa kanyang itim na hood. “bakit hindi niyo papasukin ang magandang binibini? hindi ba kayo naawa sa kanyang maamong mukha.”

Tumingin ako kay Montblancat turo sa sarili ko .“ako ba tinutukoy niya?”

“malamang sino ba tinutukoy niya, ikaw lang ang binibini dito.” singit ni Clyde.

Naring ko ulit ang boses ni Karut at Marut. “Sinooo ka naman paraaa utusaaan kamiiii.”

Tinanggal ng lalaki ang hood niya, nung nakita ko ang kanyang mukha, nanlaki ang mga mata ko dahil siya yung lalaking nakabunggo sa akin sa Metru Nui.

Naramdaman kong lumindol konti, pagtingin ko sa mga istatwa nakaluhod na sila, Ano nangyayare?

“P-patawarin niyo po kami, Third Prince Nokama.” A-ano? S-siya yung Third Prince .

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon