Chapter 51 : Trust and Acceptance

7.6K 217 68
                                    

Nahirapan ako sa chap na ito ahaha..

ewan ko kung tama ang mga pinagsasabi ko ...

ENJOY READING!!

THANKS..MWUAHS!!

+++++++

ALICE P.O.V.

Napatingin ako sa aking sugat, okey na ito at medyo magaling na. Nawala na din ang nararamdaman kong panginginig.

Pinagmasdan ko ang aking mga kamay. Isa lang akong ordinaryong tao noon…

Ngayon… hindi ko lubos maisip na meron pala akong itinatagong kakaibang kakayahan.

Bakit hindi ko naman ito napansin ng ako ay bata pa.

Alam ba ito ni Lola’t Lolo ko? Bakit nila itinago ang bagay na ito sa akin? Si Tita Irma at ang kanyang anak… katulad ba nila ako?

Ang daming katanungan ang gumugulo sa isip ko. Kung panaginip ang lahat ng ito… gusto ko ng magising.

Kinurot ko yung pisngi ko. OUCH lang… mukhang hindi ako nanaginip.

“Wake up my honey prince~” agaw atensyon ang pinaggagawa ni Yenma.Hindi naman daw malala ang pagkakabagok ng prinsipe.

Yun nga lang ipinaliban muna namin ang pagtungo sa kaharian. We’re almost there pero kailangan naming tumigil dahil simula ng mangyari samin ni Prince Azera ang aksidente kagabi hindi parin nagigising ang prinsipe.

“Ang tangos ng ilong ng prinsipe. Hmm~”kinikilig na sabi ni Yenma. Dahil walang malay at nasa kasarapan ng tulog si Prince Azera… ayan marahas niyang pinipindot pindot ang mukha nito at masayang niyang pinagmamasdan. “Ang sarap ng tulog ng prinsipe.Babaero siguro itong Third Prince. Gandang lalaki~”

Sinabi mo pa Yenma.

“Tsh… para yun lang kinikilig na siya?”Luke muttered.“Hindi naman ganong kagandang lalaki ang prinsipe.”

“Tsh! Selos ka lang.” bulyaw ni Montblanc sa kanya.

Nakita ko namang siniko siya ni Luke na dahilang mapasubsob si Montblanc sa pagkakatayo.

“Matunaw naman yan Yenma.Konting galaw mo nalang mahahalikan mo na yung prinsipe.”Awat ng former Matua Warrior.

“Ano ba Martha. Pagkakataon ko na toh! Ang Pagmasdan ang prinsipe. Minsan lang ito mangyari sa buong buhay ko kaya nilulubos ko lang. Malay mo dahil sa halik ko magising ang prinsipe.”

“Magtigil ka Yenma.” Suway ni Martha sa kanya.

“Psh!”Lumayo siya sa prinsepe at marahas na tumingin sa akin si Yenma. “Ikaw Alice.”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon