Chapter 31 : Jealous

14.1K 170 30
                                    

ALICE P.O.V.


“Alice! dahan dahan sa pagkain.”

Hindi ako kumakaen Sha, lamon itong ginagawa ko. LAMON! Kumagat ako ng malaki sa roasted food na hawak ko, hindi ko alam kung chicken ba ito o kung ano mang hayop? basta kinain at nginuya ko ito ng maigi habang nakatingin ng masama sa ibang lamesa.


“Mukhang gutom na gutom ka Alice.” sabi ni Montblanc. Naririnig ko ang mga sinasabi nila pero wala ang atensyon ko sa kanila kundi sa ibang lamesa. Kumuha ulit ako ng roasted food. “Tama na Alice baka hindi ka na matunawan niyan. Hindi ka naman ganyan kalakas kumaen dati ah.” Pigil ni Montblanc sa kamay ko na may hawak na pagkain. Nagpout ako sa kanya habang nakakunot naman ang kilay ko.


“Hayaan mo siya Montblanc.” Sabay alis ni Prince Azera sa kamay ni Montblanc. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain sa hawak kong roasted food.

Kinagatan ko ito na may panggigil. Nakakaasar kasi!! Nandito kami sa isang lumang kainan parang restaurant sa kanila. Magkakasama kaming kumain nila Montblanc sa isang lamesa habang si CLYDE! Sa kabilang lamesa kasama ang malanding babaeng yon! Hay!! sarap gilitan ng leeg!

Mas gusto pa niyang kasama ang babaeng yon kumain kesa sa amin! KESA SA AKIN! Nakakainis siya!

Kahit maraming nagkukumpulan taong lobo sa lamesa na kinakainan ni Clyde kitang kita ko parin siya dahil pumuwesto kami sa naka elevated na lamesa.

Kapag nakikita kong lumalapit si Dinah kay Clyde lalong nanggigil ako sa kinakain ko. Hanggang sa… napalunok ako ng malaki nung umupo si Dinah sa lap ni Clyde at para bang may ibinubulong si Dinah sa kanya.

Nagdilim ang paningin ko at lalo ko pang-nilakihan ang mga kagat ko sa pagkain. Sa pagkatayo ni Dinah sa lap ni Clyde hinawakan naman niya ito sa magkabilang balikat at nakipatitigan kay Clyde, nung yumuko si Dinah nakita ko ang kanyang cleavage.

Bigla akong nabilaukan sa aking nakita at natitiyak akong inaakit niya si Clyde.


Cough! Cough! Cough!


“Tu-Tu-tubig… Ka-ka-kailangan ko…” hirap kong sinabi habang pinapalo ang dib dib ko. 


“Hala! Hala! Si Alice!! Tubig daw!! Tubig!! Tubeeeeeg!!” tarantang sigaw ni Sha. Nataranta din sila Prince Azera at Montblanc para iaabot sa akin ang isang basong tubig.

Sa pagkakuha ko nito, derederetso ko na itong ininom “Salamat…” nakahinga na ako ng maluwag. “Kelan ba tayo aalis dito?” tanong ko sa kanila.


“Hindi pa namin alam Alice, kailangan natin kausapin ang Alpha tungkol sa lobo na sinasabi mong Luke ang pangalan. Pero huwag kang magalala Alice, mapapadali tayo sa pagalis dahil nakikipagusap si Clyde sa mga Beta.” Sabay tingin ni Montblanc sa kabilang lamesa kung nasaan si Clyde.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon