Chapter 8 : Dark Spell

16.7K 229 23
                                    

Paxenxia na mga readers..late UD aq..hehehe ..

dami pinagawa sa akin eh...

enjoy reading...

++++++

Mula sa kabilang mundo, sa mundo ng mga tao, sa Gabi ng kabilugan ng buwan may dalawang taong naglalakad sa masukal na kagubatan patungo sila sa lugar kung saan mahahanap ang grupo ng mga bruhang mangkukulam

Ng makarating na sila sa lugar ipinagbukas sila ng pinto, bago sila makapunta sa silid ng pinuno ng mga makukulam dumaan sila sa malawak na pasilyo at makikita ang mga nakahilerang bungo sa paligid nito na may nakatirik na kandila

Natanaw na nila ang silid ng pinuno at ang lalaking may pulang buhok na nagbabantay sa labas ng silid, siya ang kanang kamay ng pinuno

Hindi siya isang mangkukulam katulad ng kanyang pinagsisilbihan, isa siyang Thraun Byako

Ang Byako ay isang White Fox, maamo ang kanilang mukha hindi mo aakalain na kaya nilang gumawa ng kasamaan, tinawag silang Traun dahil kaya nilang maganyong tao mula sa kanilang pagiging isang halimaw

Nakarating na ang dalawang panauhin sa silid ng pinuno


“Matagal na kayo hinihintay ng mahal naming pinuno” sabi ng Thraun Byako

Pinapasok na sila sa silid ng Pinuno

Nagbigay galang sila at hinalikan ang likod ng palad ng pinuno “Patawarin niyo po kami naghintay po kayo ng matagal kamahalan”


“nagawa niyo ba ang pinaguutos ko”

Nagkatinginan ang dalawang panauhin “P-patawad po pero----” hindi pa siya nakakatapos magsalita pumunta na ang pinuno sa kanyang harapan  


“MGA WALANG KWENTA!!!” hinawakan niya ang leeg ng panauhin hinihigpitan niya ito at unti unting niyang binabaon ang mahahaba niyang mga kuko


“huwag niyo po siyang saktan!!” usal ng isang panauhin


“Mga wala talagang silbi ang mga mortal tulad ninyo, ang simple lang ng pinagagawa ko”  


“Kamahalan maawa po kayo, hindi po namin nagawa ang pinaguutos ninyo pero may handog po kami sa inyo” ipinakita niya ang isang hibla ng buhok at balat sa loob ng maliit na bote   

Binitawan niya ang hawak niyang mortal at agad na kinuha ang handog, ngumiti siya “Magaling, magaling, lumayas na kayo sa aking silid at gawin ninyo ng tama ang pinaguutos ko kapag bumalik kayo na hindi ninyo parin dala, kukunin ko na ang buhay ninyo”

Takot na umalis ang dalawang mortal

Umupo siya sa kanyang trono at hinawi ang kanyang mahabang palda “Orrl”

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon