Chapter 32 : Totema Famfight

13.9K 158 17
                                    

Umuugong ang buong lugar sa sigaw ng mga manonood, ang iba ay lumalabas ang pagkahalimaw at hindi mapigilan ang kanilang sarili para kalampagin ang makakapal na rehas na nakapalibot sa amin.

Hindi ko maitindihan ang mga isinisigaw nila pero kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa dugong tumutulo mula sa aking ulo kitang kita ko sa mga manonood ang saya at gigil sa kanilang pinapanood.

Nakahiga ako sa sahig at nakapatong ang isang paa ng lalaking mas malaki at mas matanda sa akin, mga 30 plus ang edad niya at bihasa na sa pakikipaglaban.

Isa siyang Selsa katulad ko pero mas marami siyang napalalunan na laban at isa rin siyang kampyon sa ipinagbabawal na Totema Famfight (A/N: parang underground fight). Lalo pa niyang idinidiin ang kanyang paa sa mukha ko habang nagpapaimpress sa mga nanonood.


“Ano!! Hindi ka pala uubra sa akin!! Sumuko ka na! tapos na ang laban!” sigaw ng lalaki. 

Nararamdaman ko ang pagkapagod ng katawan ko at alam ko ring pagod na pagod na din ang kalaban ko. Hindi ko iniinda ang mga sakit natamo ko kanina, sinasabi ng isipan ko na kaya ko pa pero kabaligtaran yun ng nararamdaman ng katawan ko basta kahit anong mangyari hindi ako susuko! Hanggang sa aking huling hininga!

Ngumiti ako. “Nagsisimula palang ang tunay na laban.” I grab his feet at agad ko itong pinihit, lumagutok ang buto ng kanyang paa at ito ang dahilan sa pagkasigaw niya sa sobrang sakit.

Gumewang gewang ako sa aking pagtayo. Namimilipit siya sa sobrang sakit dahil sa ginawa kong pagbali sa kanyang paa.  

Pero… sadyang isa siyang malakas na nilalang. Tinitigan niya ako ng masama, iikang ikang siyang lumapit sa akin at agad niya akong sinuntok sa panga, sa lakas ng pwersa napatilapon ako sa rehas na bakal at napakapit.

Pinilit kong humarap sa kanya at pinahid ang dugo mula sa aking bibig gamit ang likod ng aking palad, saka ako dumura. “Yun lang ba ang kaya mo.”   

Dahil sa aking sinabi, lalong siyang nainis at lumaki ang kanyang mga muscles, sinakal niya ako at ibinuhat pataas sa ere. “You’ll be dead.” Diin niyang sinabi.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa aking leeg dahilan na unti unting pagkawala ng aking hininga. Napatingin ako sa itaas kung saan nanggagaling ang liwanag.


Bakit ko ba ito ginagawa? Bakit ba ako napunta sa impyernong lugar na ito.


Siguro kasi… hindi lang gil ang kailangan ko dito, hindi lang din laman ng tiyan ang kailangan ko dito kundi ang respeto ng mga mababang lobong nakapaligid sa akin. Dito ko lang nararanasan ang pagpupuri at kinakatakutan ng bawat lobo pero… ibang usapan na pagdating sa labas ng Totema.

Nanlalabo na ang aking paningin at naririnig kong unti unting bumabagal ang tibok ng aking puso. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa aking leeg, kailangan ko na ng hangin. Unti unti namang humahaba ang kanyang kuko para sa huli niyang pagatake sa akin.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon