Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3

12.9K 139 14
                                    

CLYDE P.O.V.

Sinabi na sa amin ni Luke ang tungkol sa babae, sa aking karkula hindi niya alam na ang babaeng yon ay isang Archangel Princess. Inamin niyang siya ang nagligtas at tumulong sa kanilang dalawa nila Alice pero pagkatapos noon hindi niya na alam kung ano ang nangyari sa princessa.

Nangako daw si Luke sa prinsessa, pero hindi ko na napakinggan ito. Isinantabi ko muna ang misyon namin at ipinahawak ko kay Prince Azera ang lahat ng impormasyon na nalalaman ni Luke, hindi kasi ako makapagisip ng maayos dahil nagaalala ako kay Alice.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Alice. 

Pagkatapos namin magkausap at magkasundo. Hindi na kami nagdalawang isip na magpunta sa Mountain of Ghost.

Si Luke ang nagbigay ng dereksyon papunta sa Mountain of Ghost kung saan makikita ang Labyrinth Mansion.

Sa aming paglalakad nauuna si Luke sa aming lahat. “Malapit na tayo.” Sabi niya sa amin.

“Clyde, tama ba na pagkatiwalaan natin si Luke.” Bulong ni Montblanc sa akin.

“Sa tingin ko… pero huwag tayong maging komportable… maging alerto parin tayo kung sakaling… isa nga itong patibong.” Sinabi ko na sinangayunan naman nila Montblanc at Sha.

“Huwag kayong magalala, tama ang dereksyon na sinasabi ni Luke.” Napalingon kami kay Prince Azera.

“Pano ka naman nakakasiguro?” Tanong ko sa kanya.

“Nakikita niyo ba ang mga patak na nagliliwanag at kulay asul.” Tumingin naman kami sa paligid, napansin nga namin ang mga maliliit na patak na nagkalat sa paligid at mukhang iisa lang ang dereksyon na pinupuntahan ni Luke.

“Naglagay ako ng isang Fluidus Mark sa Dark Raven na kumuha kay Alice kaya nakakasiguro akong tama ang dereksyon na ibinigay sa atin ni Luke.” Kaya pala… akala ko titirahin niya ang Dark Raven nung oras na yun. Tumingin siya sa akin. “Diba sinabi ko sayo. Hindi ako gagawa na ikakapahamak ni Alice.”

ALICE P.O.V.

Kahit hindi ko lubos na kilala si Dinah, may nagbago sa kanyang ikinikilos hindi katulad ng una ko siyang nakita.

“Ano bang kailangan mo sa akin.” Nakatingin lang siya sa akin at ngumingisi. “Dinah… isa kang matalik na kaibigan ni Clyde bakit mo ito ginagawa sa amin?”

“Matalik na kaibigan?” taas kilay niyang sinabi sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa ginawa niyang reaksyon.

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa jaws “Ano bang nagustuhan sayo ni Clyde.” Tinanggal niya ang kanyang kamay na may pwersa at tumayo. “Kung tutuusin naman mas maganda ako sayo at mas may katawan ako sayo.” Tsh. Ou!! Sige na!! nagpasikat pa talaga sa akin.  

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon