Chapter 2 : The Truth

20.5K 318 21
                                    

Guys, i'm sorry kong akala ninyo english itong story ko..taglish naman ito ih ..tagalog-english hehehe

i can't express my self and feeling if i wrote this story in english hehehe i'm sorry again.. saka baka maguluhan pa kayo sa pinagsasabi ko hihi tagalog nga hirap na hirap ako ingles pa kaya..iba kasi lenguwahe ko alien ahaha..

saka naku...baka yung puting laptop ko maging pula ahaha dahil sa dugong na ilabas ng aking ilong hihihi

kaya ayun ...enjoy reading 

+++++++++

ALICE P.O.V

It’s my Wedding Day

Nakatingin ako sa salamin at namamangha sa suot ko, an elegant white gown this is it the important day of my life

Hindi pa ako nakatulog ng maayos dahil sa excitement ko, kasama ko si Lola sa kwarto tinitignan ako habang inaayusan ng makeup artist

Nakatulala lang siya at hindi kumukurap ang mga mata halatang malalim ang iniisip  

“Lola, makakarating po ba ngayon si Lolo” pumunta si Lolo sa probinsya nung umalis kami ni Nathaniel papuntang beach resort, sandali lang daw siya may aasikasuhin lang pero hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi

Nakatingin lang sa akin si lola parang wala sa sarili, nagiba ang kinikilos niya nung simula kaming dumating ni Nathaniel “lola?” ikinaway ko ang kamay ko pero wala parin siya sa sarili

Sa pangatlong tawag ko kay lola dun niya na ako napansin

“a-ah ano yun? a-ano kailangan mo? May papakuha ka?” gulat na sinabi sa akin

“tinatanong ko po kung makakarating ngayon si Lolo”


Yumuko siya “susubukan daw niya” matamlay si lola siguro nalulungkot siya dahil wala si lolo

Nilapitan ko siya kung saan siya nakaupo “Lola, huwag na po kayong malungkot, alam ko naman po na susubukan ni Lolo na makarating, diba po dapat masaya kayo kasi ikakasal na po ako” tumingin siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay

“Masaya ako dahil ikakasal na ang alaga ko, ang pinakamamahal na anak ni Ma’am Fatima, nalulungkot ako kasi-----” huminto siya at nagsimula ng umiyak “p-patawarin mo ko Alice”


Humihingi siya sa akin ng kapatawaran dahil nalaman ko na ang buong katotohanan, nang umuwi kami galing beach ni Nathaniel may nagpakilala sa akin na isa ko daw siyang auntie at dun niya na ikinuwento na hindi ko tunay na Lola’t Lolo sila

Bago maaksidente ang aking magulang ibinilin nila ako kay Anastasia ang maid ng magulang ko na tinuturing kong Lola, Si Lolo naman ang dating kanang kamay ng aking mga magulang

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon