Chapter 17

229K 3.3K 253
                                    

Ilang araw na lang gagraduate na ako. Andito ako ngayon sa school. May ilang requirements lang na kailangang ibigay pero pag ganitong mga panahon wala na talagang ginagawa ang mga fifth year. Bukod sa graduation pinaghahandaan na din ng mga juniors ang JS PROM namin. Sa College of Engineering kasi, per department yung JS PROM. Usually after defense ng thesis siya. Yung tipong sigurado na ang mga fifth year na gagraduate sila. Yung wala ng aalalahanin. Third Year ang bahala mag ayos ng lahat. Ganun ang kalakaran. Kasi tribute nga siya sa mga gagraduate. Pwede ding magdala ng partners/date ang mga fifth year. At speaking of date? Nahihiya akong magsabi kay Mark Ethan. Baka kasi busy siya. Kasi syempre puyatan yun eh.

"Saan pala kayo pumunta ni Kuya Mark Ethan after Defense?"

"huh?"

Medyo nagulat ako sa tanong ng kaklase ko. Akala ko hindi na nila uungakatin pa? Kasi maghapon na wala silang binabanggit. Tas kunh kailan malapit na kaming umuwi saka na lang magtatanong?

"Ang cute niyo ngang tingnan. Bagay kayo girl!"

Ay adik. May paghampas pang nalalaman. Hindi ko alam na may fan na agad ang aming loveteam ni Mark Ethan.

"wala kumain lang."

Mas safe na sagot. Kasi alangang sabihin ko na sa unit ni Mark Ethan kami tumuloy?

"Ito naman. Kwento na dali."

"Ano naman ikwekwento ko?"

"suplada"

Nangingiti na lang ako. Iniisip ko lang kung legal siguro kami parang ang sayang magkwento. Na parang ang sarap din sanang ipangalandakan yung pagmamahalan namin. At pagmamahalan talaga?

"May date pala ulit kayo?"

Medyo nagtaka ako sa sinabi niya. Naglalakad na kami palabas ng gate. Tas napatingin ako sa itinuro niya. Andun si Mark Ethan. Nakatayo sa tabi ng sasakyan niya. Dati naman na hindi siya lumalabas? Eh bakit ngayon?

"Hindi ko alam"

Kahit parang medyo nahihiya ako kasi kasama ko mga kaklase ko. Kinikilig naman ako na makita siya. Kaya pala hindi siya nagpaparamdam maghapon? Sosorpresahin niya pala ako?

Paglapit namin sa kanya. Nag aalangan akong lumapit sa kanya. Hindi ko kasi alam ang ikikilos ko. Lalapit ba ako sa kanya? Nahihiya ako.

"Hello"

Nakangiting sabi niya. Inilang hakbang niya yung pagitan namin at mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. Hinawakan niya yung kamay ko at iginiya niya ako palapit sa sasakyan.

"Kuya Mark akala ko ba SLAVE lang?"

Hindi ko magawang tumingin sa kanila. Eh kasi naman. May patanggi tanggi pa ako kanina. Kung ako ba ang

pakay niya. Tas bigla siya manghahalik.

"May sinabi ba akong SLAVE? Sabi ko LOVE"

Medyo nahampas ko siya ng kaunti. Kasabay ng pagtitilian ng mga classmate ko. Nakakatakot dati na hindi siya nagsasalita. Pero mas nakakatakot ngayon na vocal siya. Yung anytime basta basta na lang siya babanat at magpapakilig.

"Guys una na kami"

"Sige kuya. see you sa prom kuya"

Hindi ko alam kung anong reaction niya sa sinabi nila about sa prom. Nakatalikod na kasi ako nun sa kanila. Ang aadik talaga ng mga yun. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin kay Mark Ethan yung sa prom. Ok lang naman kasi na hindi niya ako samahan.

"For sure hindi ako titigilan ng mga yun ng pangangantiyaw"

"Atleast titigil na yung mga lalaki na lumapit sayo"

Medyo seryosong sabi niya. Sinapian na naman siya. Seryoso na naman. Mali pala. Kanina pala siya sinapian. Kasi hindi siya seryoso.

"Wala namang lalaking lumalapit sa akin"

"So bakla pala yung lalaking kasama mo nung naglasing ka? At yung sumundo sayo kinabukasan?"

"Nagseselos ka na ng lagay na yan?"

Hindi ko alam kung saan ko ba nakuha yung lakas ng loob para tanungin siya.

"Bakit bawal ba akong magselos? Wala ba akong karapatan na magselos?"

"Wala"

Nahampas niya yung manibela sa sinabi ko. Yung mukha niya galit na galit. Pero bakas din na nasasaktan siya. Pero hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.

"Mark Ethan.."

"Isusumbong kita kay Mommy kasi sinasaktan mo ako"

Medyo napatawa ako. Mama's Boy? Hinawakan niya ang kamay ko. Pero hindi pa din niya ako tinitingnan.

"Ano nga bang karapatan ko na masaktan? Pero masakit talaga. Iniisip ko pa lang na wala akong karapatan na magselos? na wala akong karapatan sayo? Kung hindi kita kasama ngayon baka naibangga ko tong kotse sa sobrang sakit na nararamdaman

ko."

Nakakatakot ang sinabi niya. Na ibabangga niya yung sasakyan. Mabigat din sa dibdib yung mga sinabi niya kasi ramdam na ramdam ko yung sakit ng bawat salitang binitawan niya.

"wala kang karapatan kasi wala ka naman pagseselosan"

Pagbaling niya sa akin. Ang lapad lang ng ngiti niya. Hinila niya ako ng mabilis para mabilis din niya akong halikan sa labi. Tas nagfocus siya ulit sa pagdadrive.

"Ang adik mo Mark Ethan"

"Kasalanan mo. Hindi mo man sinasadya o wala kang kaplano plano pero naadik ako sayo ng ganito"

Naadik? So dati yung kinikilos nya parte lang ng pag aamok niya?

"Kailan ang JS PROM niyo?"

"sa friday"

"so wala kang balak na gawin akong date sa Prom niyo?"

"Kumukuha pa ako ng lakas ng loob para magsabi sayo"

"Sige. Sabihan mo lang ako para pumayag agad ako"

Payag siya? Seryoso payag nga siya? Ibig sabihin sobrang gwapo ng date ko sa PROM? At first time ko na makakasayaw siya? Na nung third year kami pinangarap ko na sana isayaw niya ako. Pero hindi naman siya pumunta.

"Sige Date na kita"

"Yes!"

Napailing na lang ako. Ang kulit niya. Yung side niya na ganito. Parang gustong gusto na laging masaksihan. Kahit siguro walang label kung ano kami. Mahalaga pa ba yun? Eh ang saya saya lang namin ngayon.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon