Chapter 8

263K 3.8K 239
                                    

"Morning! Tara kain na tayo"

Nakangiting bungad sa akin ni Mark Ethan. Nakangiti sya? at bagong ligo siya. Ako nga hindi pa nakakapaghilamos. Nagising ako na wala akong katabi kaya nagmadali ako lumabas. Kaya gulat na gulat ako na makita si Mark Ethan Na naghahanda ng almusal. Yung parang sanay na sanay siyang kumilos sa kusina ko. Dali dali akong naghilamos kasi nakakahiya naman sa itsura niya. Ang presko presko niyang tingnan.

Pagharap ko nakita ko na nakaharap na siya sa akin. Agad niyang inilagay ang mga kamay niya sa may sink. Na parang nakulong ako sa mga kamay niya. Yung akala mo yakap yakap nya ako.

"Mas maganda ka pala sa umaga"

Agad niya akong hinalikan sa labi. Na agad din naman inilayo ang bibig ko kasi nakakahiya hindi pa ako nakakapagtoothbrush. Pero lalo lang niya akong hinapit sa kanya. Mas malalim na halik ang ibinigay niya. Mas mapusok. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya. Hindi ko alam kung gaano katagal naming pinagsaluhan ang halik na yun. Pero ang saya lang sa pakiramdam. Lagi kasi na kung matutulog ako sa kanila, ako ang unang nagigising. Uuwi sa unit ko para mag ayos ng sarili.

"tara kain na tayo. Since saturday ngayon. May plano ka ba?"

Naguguluhan talaga ako sa ikinikilos niya. Sa mga binibitawan niyang salita. Siya na din ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Yung asikasong asikaso niya ako. Yung kulang na lang subuan niya ako.

"nga pala. Naglagay ako ng mga damit ko sa closet mo. Dito na kasi naligo kanina"

"Mark Ethan.."

Paano kung may mga kaibigan ako na pumunta sa unit ko? At sa di sinasadyang pagkakataon makita nila yung gamit ni Mark Ethan. Paano ko ipapaliwanag yun.

"Mas ok na yung ginawa ko na maglagay ng gamit ko dito kesa ang ipabutas ang pader sa pagitan ng unit para lang masigurado na mababantayan kita"

Bumalik na ulit siya sa pagiging serysoso. Ipabutas talaga? Nababaliw na siya?

"hindi mo naman ako kailangang bantayan. Matanda na ako"

"Tama. Matanda ka na. Maganda pa. At yung lalaking yun hindi mapigilan na lumapit sayo"

"Si Julian? Classmate ko siya. At di ba papalitan mo na naman ako? dapat nga ngayon inihahanda mo na ako sa gagawin mong pang iiwan"

Nabitawan niya ang hawak niyan kutsara. Halos ibagsak niya yung kamao nya sa lamesa. Galit siya. Hindi ko siya magawang tingnan, dahil hindi ko alam kung bakit ba sya nagagalit.

"Sino bang maysabi na papalitan kita?!! At huwag na huwag kang sasama ulit sa Julian na yun!"

Nanginginig ang boses nya sa galit. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya. Nakakatuwa na hindi niya ako papalitan. Pero ibig sabihin ba nun habangbuhay din akong aasa na magagawa niya akong mahalin?

"Hahaha Bakit ka ba nagagalit? Bakit ayaw mong sumama ako kay Julian? Sabihin mo Mark Ethan, masyado bang masakit sa ego mo na may ibang lalaki na magkakagusto sa akin? Na may nagmamahal sa slave mo? Na nirerespeto niya yung babaeng PARAUSAN kung ituring mo!!"

Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Itinayo niya ako at marahas niya akong hinalikan. Yung halik na puno ng galit. Na masakit sa labi. Masakit sa pagkatao. Kahit naman SLAVE niya ako hindi niya kailanman ginawa ang ganito. Tumigil lang siya nung maramdaman niya yung luha ko. Yung galit niya kanina medyo nabawasan. Gusto ko siyang sampalin pero nanghihina pa din ako sa ginawa niya.

Lumayo ako sa kanya. Tama nga siguro sila. Lahat ng lalaki may kakayahang maging halimaw. May kakayahang saktan ka sa paraang hindi mo inaasahan

"Sorry.."

Umiwas ako sa kamay niya na hahawak sana sa braso ko. Gusto ko munang lumayo sa kanya. Kasi baka paghinawakan na naman niya ako unti unti na naman akong bumigay sa kanya.

Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at inilock yun. Buti na lang Sabado ngayon. Pwede akong magkulong sa kwarto ko maghapon. Pwede kong iwasan si Mark Ethan. Narinig ko ang ingay mula sa labas ng silid ko. Parang kung anong dumagundong sa dingding. Pero ayaw kong lumabas. Kahit sa pagkakataon lang na ito gusto kong manindigan. Na kaya kong lumayo. Kahit ngayon lang.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon