Chapter 3

344K 4.6K 252
                                    

Simula ng halikan nya ako. Sa lahat na lang ng bagay naging sunod sunuran ako sa kanya. Buti nga na lumipat sya sa tabi ng unit ko kasi iwas eskandalo. Sino ba kasing mag aakala na ganito ang kahahantungan ko sa pagiging slave? Pero sino nga ba ang magdududa na sa ibang bagay ako inalipin ni Mark Ethan? Pag nasa university kami, hindi nya ako nilalapitan madalas. Pag alam nya tapos na ang klase ko bigla bigla na lang susulpot para ipadala ang gamit nya. Akala ko dalawang buwan lang nya ako magiging slave, pero iba ata ang nabasang rules ni Mark. Kasi hanggang ngayon na gagraduate na ako at lahat, SLAVE pa din nya ako.

Pag ganito naman na last sem wala na masyadong ginagawa. Wala na masyadong inaasikasong exam kasi more on sa thesis and sa design na lang. At dahil ayaw ni Mark na may makakalapit sa aking ibang lalaki, at ayaw nya na makuha ng iba ang atensiyon ko. Siya ang gumagawa ng Thesis and Design ko. Wala kasi akong kagroup. At dahil kagustuhan nya yun, bahala syang mamroblema sa bagay na yun. Pero sino nga bang niloko ko? Sa talino na nya sisiw na lang sa kanya yun. Kaya ako lang ata ang gagraduate na hindi prinoblema ang thesis.

"asan ka?"

Kanina pa sya tumatawag. Pero hindi ko agad masagot kasi kaharap ko ang mga classmate ko, medyo lumayo ako kasi ayaw ko na kung kailan gagraduate ako saka sila makakahalata.

"sa room"

Alam naman nya ang schedule ko di ba? Bakit kailangan pa na tanungin nya ako? Minsan nakakapag isip din kasi parang nawawala na yung pagkatao ko mismo dahil sa ginagawa nya, pero sa tuwing hahalikan nya ako, sa tuwing titingnan nya ako, hindi maiwasang hindi umasa na sana magawa din nya akong mahalin, kahit konti lang.

"hihintayin kita sa may gate ng university"

Tinapos na nya ang aming pag uusap. Ni walang pagkakataon para magpaliwanag pa ako, wala ng pagkakataon para sabihin na may klase pa ako. Sabagay sino nga ba ako?

"Una na ako. Medyo sumama lang pakiramdam ko."

Dali dali akong lumabas para hanapin sya. Minsan kasi sumosobra na sya, nasweswertehan lang na hindi ako nagkakaproblema sa pag aaral ko kaya pinapalampas ko sya. Pero kahit naman siguro magreklamo ako. May pakialam ba sya?

Pagsakay na pagsakay ko sa kotse nya at pagsara ko ng pinto,agad nya akong hinalikan. Hindi lang simpleng halik, yung halik na akala mo isang buwan kaming hindi kami nagkikita. Yung parang sabik na sabik siya.

"Mark.."

Itinulak ko sya. Oo tinted ang sasakyan nya. Na imposible na may makakita sa kung ano man ang ginagawa namin sa loob ng kotse nya. Pero iba pa din na nag iingat.

"Ayaw mo na ba?"

Seryosong tanong nya. Isang tanong na napakahirap sagutin. Na kahit anong isagot ko masasaktan lang ako. Pag sinabi ko na ayaw ko na, hindi ko naman kakayanin kung bigla syang lalayo. Naibigay ko ng lahat sa kanya. Malaki na ang naipusta ko. Buong puso ko naisugal ko na. Pag sinabi ko naman na gusto ko pa? Parang lalo ko lang ilulubog ang sarili ko sa kinasasadlakan kong sitwasyon.

"Mark.."

Hinawakan ko ang kamay nya. Kahit kinakabahan ako kung babawiin nya ba o hindi. Sa tatlong taon na ganito ang sitwasyon namin,kahit kailan hindi ko naipakita na mahalaga sya sa akin o ang maging malambing man lang, pag nasa ibabaw lang ng kama nya nagagawa ko ang lahat sa kaniya. Ang mahalin sya ng sobra sobra. Naramdaman ko ang pagpisil nya ng kamay ko. Mas gusto ko na ganito siya, yung sa simpleng bagay, sa simpleng hawak nya lang kasi mas nararamdaman ko na kahit paano, na kahit konti lang, na magagawa nya din akong mahalin. Kasi alam ko na init lang ng katawan nya ang nangingibabaw pag mas maalab pa ang ginagawa nya.

Muli nya akong hinalikan bago nya paandarin ang sasakyan. Pero hindi pa man nagtatagal muli nyang kinuha ang kamay ko para hawakan. Napatingin lang ako sa kanya. Pero katulad ng dati seryoso lang sya habang nagmamaneho. Pero hindi naman ako nag eexpect na titingnan nya din ako. Nung nagpasabog siguro ng kasweetan wala siyang kahit anong nasalo.

Nung makarating kami sa tapat ng unit namin,akmang papasok ako sa unit ko pero pinigilan nya ako. Pero anong magagawa ko kung tatanggi ako? Gagamitan na naman nya ako ng seryosong tanong kung ayaw ko na? Buti na lang may ilang damit na ako sa unit nya. Pero hindi ko pa din masasabi na naglilive in kami. Kasi umuuwi pa din ako sa unit ko. At ang mga naglilive in, sila yung kasal na lang ang kulang pero mahal nila ang isat isa. Sa kaso naming dalawa. Ako lang ang nagmamahal.

"anong gusto mong kainin?"

Tiningnan ko lang siya habang abala siya sa kusina. Sa loob ng tatlong taon, hindi ko siya pinagluluto o ipaghain man lang. Ayaw ko kasi na parang katulong na nya ako. Alipin sa kama? Katulong pa? Kaya kahit yung bagay man lang na yun iniwasan kong gawin, para kahit paano may itinira pa ako sa sarili ko.

"ikaw ang bahala"

Umiling na lang siya. Pag sinabi ko ba na ganito ang gusto ko susundin nya? Pag naglambing ba ako na gusto ko na sa labas na lang kami kumain pagbibigyan nya ako? Kaya mas mabuti na yung wala akong sasabihin. Hindi ako masasaktan.

Inaabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng drafts ng thesis ko. Tinawag nya lang ako nung tapos na syang magluto at nakahain na. Bago ko magawang umupo, hinapit nya ako sa bewang ko at mabilis na hinalikan. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok nya, kaya lalong mas naging maalab ang ginawa nyang paghalik. Mabilis nyang nahubad ang uniform ko, bumaba ang paghalik nya hanggang sa nagtagal sa dibdib ko. Napakapit na lang ako sa lamesa kasi nakakapanghina ng tuhod ang ginagawa nya. Nagawa nyang alisin ang lahat ng saplot ko, patuloy ang paglalaro ng mga kamay nya sa dibdib ko habang ang mga labi nya abala sa pagitan ng hita ko.

"Mark..."

Anong magagawa ng ungol na yun? Lalo lang nyang pinagbuti ang paghalik sa bahaging yun ng aking katawan. Napahawak na lang ako sa buhok nya nung sobrang hinang hina na ako dahil sa inilabas ng katawan ko. Tumayo sya at niyakap ako. Lumayo sya ng konti sa akin at nagsimulang syang maghubad sa harap ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang ginagawa nya yun. Hindi ko naman maiwasan na hindi mapalunok ng palihim ng matanggal na nya lahat ang damit nya. Lumapit sya ulit sa akin, marahan nyang pinaghiwalay ang hita ko. Napakapit na lang ako sa balikat nya ng maramdaman ko ang pagpasok nya. Napapikit na lang ako habang dahan dahan siyang kumikilos.

"open your eyes"

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Nasalubong ko ang mga mata nya na nakatingin lang din sa akin. Pero hindi yung seryosong tingin na lagi nyang ginagawa. Yung nakakatunaw na tingin. Patuloy pa din sya sa dahan dahan na paggalaw. Hanggang sa iangat nya ako, yung mga paa ko ay nakapulupot sa kanya at yung kaninang mabagal na pagalaw ay biglang bumilis. Hindi ko alam kung paano nya natatagalan na ganun. At hindi ko alam kung bakit pero hindi din naman nangyayari na hindi ako nagiging maligaya pagkatapos.

Matapos nyang paghiwalayin ang mga katawan namin ay giniya na nya akong umupo. Ni hindi sya nag abala na pagbihisin ako o magbihis man lang siya. Hindi ko alam kung makakain ba ako ng ganito.

"siguradong pagod ka kaya makakain ka na ng ayos"

Napatingin na lang ako sa kanya. So nangyari yung kanina para kumain ako ng ayos? Napapansin nya ba na pag pinagluluto nya ako ay hindi ako kumakain ng madami? So kaya nya ginawa yun? Umiling na lang ako. Kasi tama sya. Napagod ako sa ginawa namin kanina. At hindi ko din alam kung kailan mapapagod ang Puso na maghintay sa kanya. Wala ba syang gagawin dun? Sa pagod kung puso?

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon