Chapter XXII

87K 1.4K 289
                                    

[22] The Kiss In The Rain

 

-Audrey-

Day 3 na ng school fair. Last day na nga pero wala akong kagana-gana. Lahat ng tao iniiwasan ko pero ang totoo, isa lang naman talaga ang dapat kong iwasan kaya hindi ko alam kung bakit lahat dinadamay ko.

Oo dahil sinabi nya ng kailangan nya ng time and space, tinupad ko yun. Binibigyan ko sya ng space at oras para makapag-isip. Siguro kaya kailangan nya din yun dahil alam kong sawang-sawa na sya sa mukha ko. Kaya kapag nakikita ko ang anino nya, umaalis na agad ako kung nasaan sya.

Nagkakagulo na ang lahat samantalang ako parang walang pakialam. Tinatanong nga ako ng mga co-Royals ko kung bakit hindi ako excited sa concert na gaganapin maya-maya. Tuwing may concert naman daw sa last day ng fair ako lagi ang pinakauna na pumupunta sa gym. Ipinagkibit-balikat ko lang yun at binigyan nalang nila ako ng mga nagtatakang tingin.

Nakatanga lang ako dito sa bench na malapit sa gym. Papasok na dapat ako kaso naisip ko na baka makita nya ako kaya siguro mamaya nalang para hindi na nya ko mapansin sa dami ng tao. Sak--

“Hi miss.” halos mapatalon ako sa gulat ng marinig iyon. Paano ba naman kasi babatiin nalang ako, kailangan pang humawak sa balikat ko. Nagulat tuloy ako.

Tiningnan ko ng masama yung pangahas na iyon pero halos nanlaki ang mata ko nung makita ko kung sino iyon. Nalaglag din ang panga ko dahil pakshet ang gwapo ng ngiti nya. Nakakatunaw!

“Spade! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko at napalinga-linga pa ako sa paligid dahil sa mga bulung-bulungan ng mga tao. Kitang-kita ko kung paano nila tingnan at paglawayan ang kagwapuhan ni Spade. Napailing nalang ako. Ang mga tao talaga ngayon, parang uhaw na uhaw lagi sa gwapo.

Hinarap ko sya nung marinig kong nagsalita sya ulit. “I came here to visit Kieth. Pero mukhang wala sya tapos ikaw nalang yung hinanap ko.” sabi nya at parang gusto ko syang kurutin dahil ang cute nya kapag nagta-tagalog sya.

At dahil hindi ko na napigilan, kinurot ko nalang sya sa braso nya at mukhang nasobrahan yata ang panggigigil ko sa kanya dahil kita kong pulang-pula yung kinurot ko. “Ouch! What did you do that?” inis na sabi nya at hinimas yung braso nya. Sana si Spade nalang ang kuya ko, ang cute nya kasi.

Nginisihan ko nalang sya at umiling-iling. “So, ano ang kailangan mo sakin?” pag-iiba ko para maiwasan ko yung kasalanan ko. LOL!

At mukhang nakalimutan na nga nya dahil nagseryoso ang mukha nya. Siguro tungkol sa racing? Ganyan naman sya kapag iyon ang pinag-uusapan.

“May racing event next week. Maraming sponsors sa event na yan. I hope you and Kieth could come.” sabi nya at tumango-tango ako. Malaking privilege na ang isa sa pinakabata at pinakasuccessul na racer ang magsabi sayo nun. Sino ba ako para tumanggi? Sasabihan ko nalang siguro si Kieth kapag nagkita kami.

Medyo maingay na sa gym at sa tingin ko ay magsisimula na. Tumayo ako at inayos yung uniform ko na medyo nagusot sa pagkaka-upo ko ng matagal. Tiningnan ko si Spade na nakatingin lang din sa akin.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon