That Annoying BOY - 57

14.4K 531 4
                                    

Kakatapos lang ng laro namin.. talo kami today, sayang kasi dikit lang yung laban. Umabot pa nga nag five set, sadyang magaling lang talaga ang kalaban.

Nasa locker room lang kami ngayon para makapag shower at makapag freshen up na. May kasamang pagmamadali ang kilos ko dahil parehong nanuod ng game ko si Damon at Samie, natatakot akong baka bigla nalang mag suntukan yung mga yun.

Alam kong sinabi na ni Damon na susubukan niyang makipag ayos pero subok lang yun baka di niya mapigilan, sana naman behave din si Samie para naman may world peace na talaga.

"Ladies, mauna ko." Pagmamadali ko.

"Hintayin mo na kami." Majah said.

"Bilisan niyo magkasama ngayon si Damon at Samie."

"Para namang may magagawa ka kung biglang magsuntukan yung mga yun." Luisa said. Tama siya, mahirap kayang magawat ng dalawang lalakeng nagsusuntukan.

"Don't worry may mag aawat sakanila, nandun naman sila Mar at Justin." Maj said.

"Bilisan niyo pa din!"

"Okay." Sabay nilang sabi. So, no choice hinintay ko muna sila tutal sandali nalang naman na ang pagbibihis nila.

Nang matapos naman sila nag paalam na kami sa girls tsaka kami nag madaling puntahan ang boys, alam nilang nagmamadali ako kaya nagmamadali din yung dalawa.

Nakita namin ang boys na naguusap usap lang na nakapag pahinga sakin ng maluwag. Napa ngiti pa nga ako nang makita ko si Damon at Sam na naguusap.

"Taray naguusap ang magkaribal." Luisa said making Majah laughed.

"Nakakapanibago nga." Maj said.

"Sana magtuloy tuloy na yan." Tumingin sila sa direksyon namin kaya yung paguusap nila ay nahinto. Nag simula na silang mag lakad papalapit samin kaya sinalubong namin sila at naglakad din papalapit sakanila.

"Hi." My boyfriend greeted me, kissing my forehead.

I smiled. "Hi." I greeted back.

"Mama Ber, plano naming maginuman ayos lang bang isama namin si Damon?" Samie asked. Tumingin ako kay Damon at ngumiti lang siya sakin. Mukhang pareho silang dalawa na gumagawa ng way para magkaayos nga sila.

"Bakit kayo lang? Di niyo kami isasama?" Luisa asked.

"Boys night out to, Lulu." Samie said.

"Haay! Sige na nga kayo nalang." She gave up.

"Mama Ber, ano payag ka?" Samie asked me again.

Tumingin ulit ako kay Damon at dinibdiban siya ng mahina lang naman. "Kunti lang inumin mo ah!" Pagpapaalala ko.

He chuckled. "Opo."

"Sige payag na ko." Sabi ko kay Samie.

"Oh tara na pumayag na silang lahat." Samie said to boys. Humalik muna ang boys sa girlfriend nila, syempre isa na kami dun ni Damon.

"Magtext ka pag nakauwi ka na, okay?" Sabi ko sakanya pagkatapos nung kiss.

"I will." He kissed my lips again. "I love you."

"I love you too." So, sila nag si sakayan na sa kotse nila samantalang kaming girls naiwan at pinanuod muna silang makaalis.

"Nakakaingit, mag girls night out din tayo." Luisa said making me and Maj laughed.

"Ayoko gusto ko nang magpahinga." Maj said.

"Ako din." I said.

"Di ba kayo naiingit sa boys?"

"No!" Maj said.

"Hindi din, ako." Sagot ko.

"Haay! Ang boring, uwian agad?"

"Ipagpaliban mo muna yang pagiging party girl mo." Maj said, i nodded and agreed.

"Oo na sige na, kayo na ang mga taong bahay, kayo na ang mga introvert." She sarcastically said, making me and Maj laughed. Introvert agad? Di ba pwedeng gusto lang mag pahinga? Haha.

Since wala naman na kaming planong gumala, maliban pala kay Luisa. Nagkanya kanya na kami ng sakay sa kotse namin para makauwi na.

Isa na ata to sa mga masasaya kong araw dahil finally nagkakasundo na ang best friend ko at boyfriend ko, mag bobonding pa ngayon. Di ko na mahintay na makichismis sa kung anong mangyayari sa boys night out keme nila.

Sana pagkatapos nito world peace na talaga. Haha.

Nakarating ako ng bahay at dahil wala namang presensya ni Mama dumiretso na ko sa kwarto ko at nag bihis lang tutal nakapag freshen up na ko sa locker kanina.

Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama ko pagkabihis ko at hawak hawak ko lang yung cellphone ko, nag hihintay ako ng text.. okay maybe balita sa boyfriend ko, kung ano ng nangyayari.

Dahil wala naman akong narereceived na text sakanya, ako na ang unang nag text.

** Baby, kamusta night out niyo? Behave ka ha! **

I waited for his reply, inabot na ata ng sampong minuto bago siya nakareply.

** Ayos naman baby, medyo kakasimula lang namin. Behave ako don't worry. **

** Please, wag kayong magaaway ni Sam. ** reply ko sa text niya.

** No worries, pahinga ka na. I love you. **

** I love you too, Damie. **

Okay, naassured na kong ayos pa ang lahat kaya tinabi ko na yung cellphone ko at nag rest na. Yakap ko lang ang baby bear ko, ipinikit ko na yung mga mata ko tsaka ako unti unting dinalaw ng antok.

Nakadinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko na dahilan para magising ako. I stretched my body, yawning.

"Pasok po." I said, sleepy.

Nag bukas yung pinto at si Mama ang pumasok. "Goodmorning Sweetheart, nandyan si Damon." Morning na? Aba't di manlang ako nakapag dinner kagabi, napagod ata talaga ako sa game.

"Okay po." Hmm.. i wonder kung anong nangyari sainuman nila.

Lumabas na siya ng kwarto ko kaya ako naman bumangon na sa kama. Naglakad ako papalapit sa salamin habang tinatali yung buhok ko.

Pumasok muna ako ng bathroom ko para makapag hilamos at toothbrush. Nang matapos naman ako lumabas na ko ng kwarto ko at pinuntahan na si Damon sa sala.

Pagbaba ko nakita ko siyang nakaupo sa sala at mukhang inaantok pa. Haay! Di na naman to nakatulog ng maayos, tsk.. wala pa namang pasok ngayon.

Tumingin siya sa direksyon ko nang makita ako tsaka siya tumayo. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit tsaka ko siya hinalikan sa pisnge. "Inaantok ka ba?" Tanong ko. He just nodded pouting.

"Gusto mong dun tayo sa Unit mo para makatulog ka?" Tanong ko.

"Maaga pa, pwede ka bang umalis?"

I smiled. "Magpapaalam ako."

"Sige."

Pinaupo ko muna siya para puntahan si Mama sa kusina dahil baka nandun siya para makapag paalam na. Pag dating ko nakita ko si Mama na nag luluto.

"Ma.." I called, making her looked at me. "Aalis po kami ni Damon."

"Sige pero kumain muna kayo bago umalis."

"Sige po."

Binalikan ko din naman agad si Damon sa sala at tinabihan siya sa pagupo.

"Kain muna daw tayo bago umalis." Tumango lang siya bilang pagsangayong tsaka niya isinandal yung ulo niya sa balikat ko.

--

Nearly end, babies. 😃

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon