Thay Annoying BOY - 12

15.4K 495 19
                                    

I stared at him, eyes wided open. Kakatanong niya lang sakin kung pwede na kong ligawan, hindi ako makapaniwalang nangyayari to.

Oo may usapang magiging kami pagkagraduate pero parang picture lang sakin yun at di ko talaga alam kung kaya ko nga yun. I mean.. he's a good guy and i know i can trust him with my heart but dapat bang ilevel up na namin sa courting ang friendship namin? Paano kung may magbago? Na sigurado namang may magbabago. Shocks! Anong gagawin ko?

"Mama Ber?" Samie called, mukha na siyang kinakabahan dahil sa pananahimik ko.

"Uhm.." I'm finding a words to say. I stared at him and everyone around us, tahimik lang silang naghihintay sa sagot ko at nakatingin saming dalawa ni Sam. If i said no, sigurado akong mapapahiya siya. If i said yes magbabago na ang lahat.

Huminga ako ng malalim at tumingin ng diretso sa mga mata niya. "Yes."

Palakpakan at hiyawan ang umaligawngaw na ingay sa paligid namin dahil sa pagpayag kong ligawan ako ng best friend ko. Ginulo ang buhok at binatukan ng mahina sa ulo si Samie ng mga kateammate niya bilang pag congrats siguro. Tsaka inabot sakin ni Samie yung bulaklak at pagkuha ko nun niyakap niya agad ako.

"Thank you, Mama Ber." He whispered. Hindi ako sumagot kasi.. hindi ko alam ang sasabihin. Kung tatanungin ako ngayon kung anong nararamdaman ko ang tangi ko lang isasagot ay EWAN KO.

Masaya ang lahat sa paligid at kinikilig pero ako.. ewan ko. Isa lang ang hiling ko sana tama ako ng desisyon.

Natapos ang kumpulan ng lahat at nagkanya kanya na sila ng upo sa Canteen habang ipinapaabot ang pagbati samin ni Samie. Nakiupo sa same table namin si Samie, Mario, Justin and Rafael.

Sweet na si Samie noon pa, pero mas naging sweet siya ngayon at mas naging showy sa feelings niya kaya medyo nakakailang.

Kapansin pansin ang pagiging close ni Mario at Maj siguro dahil sa nangyaring date nila. Ang torpeng si Justin naman nakatabi kay Lulu at mukhang nagiipon ng lakas ng loob para makausap ang crush niyang si Lulu. Pero itong si Lulu naman ang kinakausap si Rafael.

"Mama Ber, ipapaalam na ba natin kela Tita ang tungkol sa panliligaw ko sayo?" Samie asked interrupting my thoughts.

"Uh.. yah, kailangan nilang malaman." I answered. I stand. "Uh.. guys, mauna na ko ah."

"Saan ka pupunta?" Samie asked.

"Uh.. bibili ng libro." I lied. Ang totoo di ko alam talaga kung saan ako pupunta. Hindi ko pa naman natatapos basahin yung mga nabili kong libro kaya malamang di muna ko bibili.

"Samahan na kita." He offered.

"Di na, may dala akong kotse don't worry."

"Edi sa separate car tayo, pero sasamahan padin kita. Baka kung anong mangyari sayo."

"Samie.." i don't know what to say. Ano naman kasing mangyayari sakin?

"Mama Ber, manliligaw mo na ko." Pagpapaalala niya. Na sana di nalang niya ginawa. I look at our friends, nakatingin sila samin at pinapanuod ang paguusap namin.

"Exactly manliligaw palang, kaya ako nalang muna." Naglakad na ko palayo at di na hinintay pa yung sasabihin niya. I knew it, may magbabago. Ito na nga bang sinasabi ko eh. Hindi ako komportable sa pagiging showy niya, na dapat kasanayan ko na dahil knowing him mas magiging showy pa siya sa mga darating na araw.

Pumunta ako sa kotse ko at nakita ko si Damon na papalapit sa direksyon ko, problema nito? Pagkalapit niya kinuha niya yung susi ng kotse ko at pinasakay ako ng passenger seat tsaka siya dumiretso sa driving seat. Uh.. what is happening?

Pinaandar niya yung kotse ko at nagsimulang bumyahe palayo ng school. "What are you doing?" I asked.

"Driving you."

"Why?"

"Dahil gusto ko lang." Dahil gusto niya lang? Yun na yun?

"Nantitrip ka naman ba, ha?" Irita kong sabi.

"Alam mo kung problema sayo? Lagi mo nalang iniisip na nantitrip ako." Inis din niyang sabi.

"Woe, what??"

"Minsan gamitin mo yang utak mo."

"Anong sabi mo??"

He sighed in frustration. Minaneho niya ng mabilis yung kotse na ikinakaba ko naman, dahil mas mabilis pa siyang magmaneho kesa kay Samie.

"Slow down Damon." I yell, scolding. He didn't listen to me. Nag patuloy lang siya sa pagmamaneho ng mabilis. "Damon!!" I yell, nervously. He finally slow down.

"Stop this car!!" Utos ko. Tumingin siya sandali sakin at sinamaan ko siya ng tingin tsaka finally hininto yung kotse ko. "Ano bang problema mo?" Inis kong sinabi pagkahinto niya. Hindi siya nag salita at bumaba nalang ng kotse tsaka naglakad palayo.

"Urgh!!" I groan loudly, in frustration. He's really annoying!! He's highly annyoing, he's the king of all the annoying people.

Lumipat na ko ng driving seat at hinampas sa inis yung manebela ko. Isinandal ko yung ulo ko sa manebela. Ano ba kasing problema niya? Sinabihan pa niya ko na gamitin ko utak ko? Ano ba sa tingin niya yung sinasabi niya?

Narinig kong may nagtext sa cellphone ko. Kinuha ko yun at binasa yung text na mula kay Samie..

*** Mama Ber, sorry.. naging possessive ang tingin sakin ng mga kaibigan mo ayaw ko namang maramdaman mo yun, babawi ako next time. I love you. ***

Itinabi ko nalang yung cellphone ko at di na nagabalang replyan siya. Ayaw kong dagdagan niya yung inis ko na sinimulan ni Damon.

Ano bang problema ng mga to? Plano ba nilang sirain ang araw ko? Well congratulations nagtagumpay sila!!

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now