That Annoying BOY - 1

62.4K 1K 51
                                    

Babies.. before reading it, kung may nabasa ka ng iba kong story wag na po maconfused kung mabasa mong same names lang nun dito. Ibang story po yun. Hihi.

Kung wala ka pa namang nababasang ibang story ko, ngayon alam mo na. Hahaha. ✌
---

Kakatapos lang ng practice ng buong Volleyball Team at nasa shower room kami ngayon para makapag freshen up.

Hindi lang din para mag freshen up, mag daldalan na rin. Syempre pag dating sa pag kukwentuhan hindi mawawala ang tungkol sa boys.

Ganyan yang mga yan eh. Buti pa ko, behave.

Nangunguna sa kwentuhan si Majah Mendez, ang girl best friend ko/captain ball ng team ang nangunguna. Hindi lang siya sa practice nangunguna pati sa kwentuhan lalong lalo na pag dating sa cute boys ng basketball team.

Type na type niya kasi ang point guard ng basketball team na si Mario Matias na di maikakailang super cute naman talaga.

"Tahimik mo ah." Sabi ni Majah habang nagbibihis, siniko pa niya ko.

"Alam mo naman ako, walang hilig pag usapan ang boys."

"Amber, masayang pag usapan ang boys lalo na kung cute."

"Whatever." Sinarado ko na yung locker ko. "Sama ka saking manuod ng basketball practice?" Tanong ko.

Hindi sa hilig ko ang boys kaya manunuod ako ng basketball practice, kasi di naman talaga. Sadyang gustong gusto lang ng boy best friend ko na manuod ako lagi depende nalang kung may practice kami. Captain kasi siya ng basketball team. Pag di ako pumunta katakot takot na tampo ang makukuha ko sakanya.

"Ako pa tinanong mo ah." Laking ngiti niyang sabi. Ah, tama nga pala. Nasa basketball team si Mario.

"Boys ba yan??" Pagsisingit ni Luisa Marquez ang Middle blocker/Middle Spiker namin.. at siya ang pinaka mahilig sa boys, in other word playgirl siya.

"Papanuorin namin mag shoot ang future boyfriend ni Amber." Pagbibiro ni Majah.

"Oh.. si Hottie Samie?? Lucky Amber." Lulu asked smirking.

"Hoy itigil niyo yan, best friend ko lang siya. Tsaka itigil niyo nga kakatawag ng hottie Samie sakanya, masyado niyang ineenjoy eh."

Kulang na nga lang ipag sigawan ni Sam na hot siya dahil feel na feel niya yung tawag sakanya ng buong Volleyball team, pero.. di ako kasali dun.

"Tigilan mo nga kami sa best friend ko lang si Samie keme mo dyan, eh may usapan nga kayong dalawa na pagkagraduate natin at wala pa kayong parehong jowa magiging kayo na." Maja said.

She's right may ganun nga kaming usapan pero si Sam lang ang may gusto nun at nakaisip nun, pumayag lang ako kasi naman sakanya lang ako makakasigurado na hindi niya ko sasaktan.

"True, kaya ka nga niya binabakuran eh. Naniniguradong walang manliligaw sayo." Lulu agreed.

I roll my eyes. "Oo na! Oo na!" Nag simula na kong maglakad. "Bye guys." I said to my teammates, waving my hand.

"Bye!" Sabay sabay nilang sabi.

"May lakad pa kayo? Bat parang wala kayong planong umalis?" Lulu asked to everyone.

"Rarampa pa kami." Patricia said smiling. She's our Leftside hitter. Nakipag high five siya kay Riza na Lebero namin.

Pag sinabing rarampa, mag boboy hunting. Haaay!

"Magkikita kami nung girlfriend ko." Sabi ni Joan ang setter namin na lesbian.. take note, pretty ang girlfriend niya.

"Pogi talaga ni Joan oh." Pagbibiro ni Tintin ang back hitter namin. Well gwapo, i mean magandang gwapo talaga si Joan. Tindig lalake pa kaya di nakakapagtaka na may nabihag siyang maganda.

"Kayo Mae, Elaine?" Lulu asked.

"Papaka nerd." Sabay nilang sabi sabay tawa. Sila ang pinaka masipag magaral samin, isisingit ko na din sarili ko. Hihi.

"Wala bang sasama saming manuod ng pogi?" Lulu asked again.

"Pass muna kami dyan." Patricia said.

"Basta practice sa bukas, ok?" Majah strictly yelled to everyone.

"Ok, Captain." Sabay sabay nilang sabi.

Nagsimula na kaming tatlo na pumunta sa Gym para nga manuod ng practice, siguro simula na yun pero di naman magagalit si Sam pag nalate ako.

Ang lala pa naman nun magalit nag papalibre. Kuripot pa naman ako. Haha!

Nasa hallway na kami at naglalakad nang bigla nalang may tumama sa likod ko tingin ko ay bola.

Inis na inis kong hinarap yung kung sino mang gumawa nun, sadya man o hindi humanda siya sakin. Hindi naman kasi play ground tong hallway para dito maglaro ng bola.

Nakita ko sa sahig ang bola na paniguradong galing sa isa sa mga Football (Soccer) team, nakita ng paningin ko ang star ng team na si Damon Lawrence.

Ang mayabang na si Damon Lawrence, yung kayabangan niya walang kapantay abot hanggang universe.

Isinusumpa ko talagang naging same kami ng course kaya classmate ko siya, mas worst seatmate ko siya. Gustuhin ko mang lumipat siya naman tong lumalapit.

"Ooppss!" Painosente niyang sabi.

I glared at him. "Wala ka bang mata huh??" Inis kong tanong.

"Calm down, Tuazon. Hindi sadya yun." Nakangisi niyang sabi.

"Di nga ba?? Eh bat parang sinasabi ng nakakaloko mong ngiti na sinasadya mo yun?"

"Di ka na nasanay." Kinuha niya yung bola gamit lang yung paa niya at sinimulan na namang paglaruan ito.

"Pwede ba dun ka field, wag dito sa hallway." Mas inis kong sabi. Tumalikod nalang ako para di ko na makita yung nakakabwiset niyang ngiti. Pero ang makikita ko lang pala ang mga nakakalokong ngiti naman nitong dalawa kong kaibigan.

Inangkla ko yung kamay ko sa braso nila at hinila na sila papunta ng Gym.

"Bakit di pa umaamin sayo yung si Damon?" Nakakalokong tanong ni Majah.

"Anong aaminin nun?" Irita kong tanong. Pag si Damon talaga ang topic naiirita ako.

"Na type ka niya." Natatawa niyang sagot.

"Ako type nun?? Mukha niya! Alam mo kahit siya nalang nagiisang lalake sa mundo di ko siya papatulan! Nakakbuwiset kaya siya, wala na siyang ginawa kundi guluhin ako sa klase pati kahit wala sa klase ganun siya."

"Wag magsalita ng tapos girl, baka kainin mo yan." Lulu teased.

"Pwede ba, ano bang kagusto gusto sa Damon na yun?"

"Helloo??? Ang gwapo kaya niyang PhilAm, ang hot pa kumbaga leveling ni Ian Somerhalder." Lulu said.

"Hooy! Wag mo siya ikumpara kay Ian ko." Pagaangkin ko. Ang totoo crush naming tatlo si Ian Somehalder.

"Ian ko siya nu." Majah said.

"Nangarap na naman sila." Lulu said. "Akin lang siya nu. She added.

Haay! Buti nalang naiwas na namin ang paguusap tungkol kay Damon. Kundi, ipupush na naman sakin nung dalawang to kay Damon.

Ewan ko sakanila, minsan kay Sam sila. Minsan naman kay Damon. Kakaloka sila.

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon