That Annoying BOY - 30

14.3K 457 1
                                    

Nakaalis na ang mga kaibigan ko mula sa pag surprise nila sakin at pag dumi sa mukha ko. Ngayon ang problema ko naman..

ANONG SUSUOTIN KO???

Anong susuotin ko sa pag punta sa bahay ni Damon. Ngayong naiisip ko na, bahay yun ni Damon ibig sabihin may chance na mameet ko parents niya. Diyos ko Lord bat ngayon ko lang naisip yun? Bakit di ko naisip yun bago ako pumayag. Pero dahil nandito na to, wala na kong magagawa.

Kinuha ko lahat ng dress ko sa closet ko at pinagisipan mabuti kung anong susuotin ko. Since birthday ko naman ano kaya kung mag red ako? Hmm.. sige yun nalang. Bahala na!

Narinig kong kumatok si Mama sa pinto ng kwarto ko at pumasok. "May lakad ka, sweetheart?" Mom asked, looking at my dresses.

"Uhm.. opo, naipangako ko na yung gabi ng birthday ko sa isang tao eh."

"With Samuel?"

"N'no, po." Nahihiya kong sabi.

"With who?" She asked, confused.

"With a friend." Tumingin siya sakin at mukhang binabasa ang iniisip ko.

"Okay, hahayaan muna kita dyan." I just smiled, weakly. Lumabas na ulit si Mama ng kwarto ko para hayaan na kong mag bihis.

So nag shower na muna ko, then nung matapos ako inuna ko ang paglagay ng make up bago ang mag bihis. Goodluck sakin sa pagma'make up kasi hindi talaga ako mahusay dun. Paglaruin niyo nalang ako ng Volleyball kesa ang mag make up.

Natapos ako sa pagmamake up at dahil di ako kombinsido sa make up ko kailangan ko na ng tulong ni Mama. Magaling yung mag make up.

Tumakbo ako palabas ng kwarto ko ng naka tapis lang at hinanap si Mama, i saw her sa kitchen. "Ma, i need a big help."

"What is it, sweetheart?" She asked.

"Pwede po bang lagyan niyo ng make up?" Nagpaawa look pa ko para lang mapapayag siya.

She laughed, softly. "Okay, sweetheart. Hintayin mo ko sa kwarto mo." I nod, grinning.

Tumakbo na ko ulit pabalik ng kwarto ko at hinintay si Mama. Hindi rin naman nagtangal dumating na siya kaya sinimulan na niya kong make up'an.

"So tell me sweetheart, sino ba tong pinapagandahan mo?" Mom asked.

"Hindi naman ako nagpapaganda para sakanya." Ako magpapaganda para kay Damon? Psss..

Ngumiti lang si Mama at mukhang hindi convinced sa sagot ko. "Special friend ba siya?" She asked again. Diyos ko Lord ano ba tong mga tanong ni Mama. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako nahihirapang sagutin yung tanong ni Mama. Samantalang parang ang simple lang ng tanong niya.

"Let me change my question, do you like that friend of yours?" Me? Like Damon? Do i like that, Damon? Shit!

"I uh.. i don't know Mom, he's so.. unpredictable, annoying and sometimes i really want to punch him on his face kasi may oras na ang sarap niyang kausap then ilang oras lang dededmahin ka na, na para akong hangin na hindi niya nakikita. He told me na nagseselos siya kay Samie pero di naman niya sinasabing gusto niya ko, ayaw ko namang magassume dahil baka mahopia ako." Huu! Di ko akalaing lalabas yun sa bibig ko.

"Yah.. you like him." She said staring at me, smiling.

"Paano mo po nasabi?"

"It's just that.. ang dami mong sinabi tungkol sakanya pero ang tinatanong ko lang naman ay kung gusto mo siya." Ganun ba yun? Ewan di ko pa talaga alam.

"Sorry to ask this sweetheart, pero paano si Samuel?"

Iniexpect ko ng itatanong yan ni Mama. Malamang dahil manliligaw ko si Samie. "I don't know either Mom. I love him as my best friend and i don't want to hurt him."

"Hmm.. sweetheart kung ayaw mo talagang saktan si Samuel, be honest to him. Tell him what you feel kasi habang pinatatagal mong ipaalam sakanya yung totoo mong nararamdaman para sakanya mas lalo siyang nasasaktan dahil naghihintay siya sa wala. Gustuhin mo man o hindi sweetheart, masasaktan mo siya dahil hindi mo kayang suklian yung pagmamahal niya. Diba mas mabuti nang masaktan siya sa katotohanan kesa malaman niya ang tungkol sa nagiging special mong kaibigan."

"Hindi po ba kayo magagalit kung hindi magiging kami ni Samie?"

"Bakit mo naman naisip yan? Syempre hindi, sweetheart. Naging masaya lang kami ng parents ni Samuel dahil nilevel up niyo na ang friendship niyo pero kung hindi ka naman liligaya dun bakit namin ipipilit? Dun ka sa magpapasaya sayo, okay?"

"Opo, thanks Ma."

"For what?"

"For understanding my feelings and sa advice."

"Welcome sweetheart, now.. you have to prepared kasi baka naghihintay na yung special friend mo."

I grin. "Opo."

She touched my both shoulder. "Gamitin mo tong gabing to para malaman mo kung gusto mo nga siya, then fix about Sam. Okay?"

"Yes Mom." She kissed my cheek.

"Magbihis ka na!" Utos niya. I just nodded my head. Nag simula na si Mama maglakad palabas ng kwarto ko at hinayaan na kong mag bihis.

I'm glad i talked to her. Nailabas ko ang lahat ng kinikimkim ko sa dalawang lalakeng nagpaparamdam ng special sakin. Hindi ko kasi to magawa kela Maj at Luisa dahil magkaiba sila ng Team. Well now, susundin ko yung payo ni Mama na.. aalamin ko kung gusto ko nga si Damon.

Sana malaman ko.

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon