That Annoying BOY - 58

16.5K 509 15
                                    

Nandito na kami ngayon ni Damon sa kwarto niya dito sa Unit, he's now sleeping like a baby kinulong niya ko sa bisig niya kaya halos di ako makagalaw dahil ayaw ko naman siyang magising hindi nalang din ako gumagalaw masyado. Hindi pa din naman ako dinadalaw ng antok so ineenjoy ko nalang yung yakap niya sakin.

Nang sa wakas magising siya mula sa tatlong oras straight niyang pagtulog.

"Hi." I greeted him. "How's your sleep?" I softly asked.

"Good, thanks to you."

"Hindi mo kailangang mag pasalamat." I kissed his cheek. "Pa deliver tayo ng food? Nagugutom na ko eh."

He chuckled. "Okay."

"And.. magkukwento ka sa kung anong nangyari sa inuman niyo kagabi nila Samie, okay?"

"Yes Ma'am." He playfully said.

Bumangon na ko ng kama, kinuha ko yung cellphone ko sa bag para makapag padeliver ng hmm.. ano kaya? Pizza nalang tsaka fries, siguro. Tama tama! Hihi.

Nang makapag order na ko, kinuha ko naman yung bag ko kasi ngayon palang ako mag shashower. Nang matapos kasi kami kaninang mag breakfast kumuha lang ako ng gamit ko tsaka kami umalis para makatulog agad si Damon eh.

"Mag shashower ka?" Tanong niya.

"Yup." Sagot ko tsaka kuha ng towel.

"Pasabay?"

I chuckled. "Nice try, but no! Tsaka na pagkasal na tayo."

"Edi pakasal na tayo bukas."

I laughed. "Kung magsalita ka akala mo ganun lang kadali ang magpakasal ah." Naglakad nalang ako papasok ng bathroom kasi naman kung ano ano ng sinasabi ng boyfriend kong halatang kagigising lang dahil sa mga sinabi niya.

Pag pasok ko ng bathroom, hinubad ko lang suot ko tsaka nag shower.

Nang matapos naman ako lumabas ako ng bathroom ng bihis na at wala si Damon sa kwarto.

Baka dumating na yung pinadeliver kong pagkain kaya wala dito. Pinunasan ko lang sandali yung buhok ko tsaka ako lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa dining area at dun ko siya nakitang inaayos yung lamesa para sa pagkain namin.

Lumapit siya sakin nang makita ako at hinawakan ako sa kamay para hilain papunta sa upuan at pinaupo ako sa silya sa pamamagitan ng pag hawak sakin sa balikat. Di ko maiwasang mag ningning ang mga mata ko dahil sa nakita kong fries. Feeling ko madami akong makakain na fries ngayon. Hihi.

Umupo siya sa tabi ko kaya sinimulan na namin ang kumain. "So, anong nangyari kagabi?" Tanong ko habang kinakain ang fries.

"Well uh.. nag usap lang kami ng medyo seryoso about sayo. He reassured me na hahayaan na niya tayo and he just requested me na kung ayos lang bang umakbay sayo minsan kasi ganun naman daw siya sayo dati." Oh!! Naintriga ako sa sagot niya, ang seloso pa naman niya.

"Anong sagot mo?"

"Umuo ako pero labas sa ilong." I just laughed. Atleast pumayag siya, totoo nga ata yung sinabi niya noon na babawasan niya yung pagseselos niya ng very light pag nagkaayos na kami ni Samie.

"Yun lang ba?" Tanong ko ulit tsaka kuha nung fries sa mangkok tsaka kinain ulit to. Hmm.. sarap talaga.

"No! Uh.. he tried na subukan ang honesty ko sayo, may mga pinakilala siya saking babae pero syempre di ko sila pinansin takot ko lang na ma spike mo sa pisnge nu."

I laughed again. "Ginawa yun ni Samie? Siraulo talaga yun."

"Bawal bad word baby." Pagpapaalala niya.

That Annoying BOYUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum