Tha Annoying BOY - 37

14.8K 481 4
                                    

Nakarating na ko sa bahay at hanggang dito sinundan ako ni Damon parang paghatid na din pero di na siya nag abala pang bumaba ng kotse at nagkawayan lang kami bilang pag papaalam, pero siya ng blow pa ng kiss kaya sinalo ko nalang yun at tinapat ko sa labi ko, tsaka ako pumasok ng bahay.

"Hello, sweetheart." Mom greeted. She's with Papa. Tumakbo ako sa napakagwapong kong Papa at niyakap siya.

"Hello, Pa.. i miss you."

"I miss you too, sweetheart. Hmm.. narinig ko, nadagdagan ka daw ng maliligaw." Papa said. Napatingin ako kay Mama na ngumiti lang sakin.

Hindi ko alam ang isasagot kasi obvious naman na may mutual feelings kami ni Damon para sa isat isa, but Damon never mentioned na ico'court niya ko.

"Uh.. parang ganun na nga po."

"Kumain ka na, Sweetheart?" Mom asked, avoiding the topic. Na sense niya atang nahihiya akong pagusapan yun.

"Uhm.. opo, kumain ako sa labas kasama si Da-" i paused, quickly. Ano ba yan nagtuloy tuloy ang bibig ko sa pagkukwento ni hindi ko nga alam kung ayos sakanya si Damon.

"Si Damon yung kasama mo?" Mom asked with malicious smile.

"O'opo."

"Bring him, here!" Papa said, with serious face. "I don't like the idea of him courting you outside my house."

"I uh.. I'll tell that to him." Haay! Daldal mo din kasi Amber eh. I scolded myself. "Uhm sige po, punta na ko sa kwarto ko." I kissed both of their cheeks, tsaka nag madaling pumunta sa kwarto ko.

Humiga ako ng kama ko at di ko kaiwasang maiwasang maisip si Damon.. haay! Bat di pa ko nasanay eh lagi naman siyang nasa isip ko.

Nakareceived ako ng text sa cellphone na dahilan para mawala sandali ang focus ko kay Damon pero hinala ko din na si Damon yung nagtext na yun.

Kinuha ko sa bag yung cellphone ko at mali ako ng hinala dahil galing yun kay Samie.. minsan talaga assuming na ko.

*** I love you. *** He texted. Lalo lang tuloy akong nakaramdam ng guilty sa text niya. Ginawa niya lahat para maparamdam sakin yung pagmamahal niya at sinubukan talaga niyang baguhin ang pagiging possessive niya sakin pero.. ni hindi ko manlang nagawamg suklian yung pagmamahal niya.

*** Can we talk, tomorrow? *** i replied. I don't want to hurt him anymore, ayaw ko ng patagalin at pahabain pa yung paghihirap niya. Mas mabuti ng honest sakanya kung sino talaga yung nagpapatibok ng puso ko kesa naman malaman pa niya yun sa iba.

I waited for his reply pero.. oras ang lumipas wala padin akong nareceived. Nakalimutan ko, iniiwasan pala niya kong makausap.

Nang handa na ko sa pagtulog, nag ingay na naman yung cellphone ko. Patunay na may tawag.. kinuha ko yun sa sidetable ko at laking ngiti agad ang makikita sa labi ko dahil si Damon ang tumatawag.. hmm.. naalala ko yung tungkol sa kwinento niya sakin kanina, di kaya siya makatulog?

"Hi." I answered it.

"Hi, baby. Tumawag ako para sabihing miss na kita."

I giggle. "Magkasama lang tayo kanina, miss agad?"

"Ganun talaga siguro pag in love." He said making me laughed. I senses he's grinning.

"May importanteng bagay akong sasabihin sayo." I said.

"Ano yun, baby?"

"Uh.. i think nagalit si Papa kasi tingin niya nililigawan mo ko sa labas ng bahay." Natahimik siya sandali ng tingin ko twenty seconds.

"Oh!! Uhm.. siguro dapat mag pakilala na ko ng pormal diba?" Tanong niya.

"Parang ganun na nga, medyo makaluma kasi ang paniniwala ni Papa pag dating sa mga ligawan eh."

"Okay, gagawin ko yun."

I chuckled. "Okay." Pareho kaming biglang natahimik na dalawa kaya di ko tuloy maiwasang mag isip tungkol sa takot niyang matulog magisa. "Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"Yup, i was just enjoying hearing your every breathe." He said making giggles.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin, about to sa kwinento mo kanina sakin."

"I'm fine baby, i told you sanay na ko."

"Gusto mo bang magkita tayo ng maaga bukas para.. you know, makatulog ka ng kunti pang oras. Sasamahan kita."

"You'll do that?" He sounded surprised.

"Yup."

"Thank you baby, i love that idea."

"You are always welcome, Damon."

"Okay, hahayaan na kitang matulog. Goodnight, baby ko."

"Goodnight din, baby ko." Pagkatapos kong ma emphasize ang words na baby ko binaba ko na yung tawag kasi naman para kong kinilig sasarili kong sinabi. Grabe, first time kong sinabi sakanya yun.. nakakakilig pala.

Tama nga sinabi nila.. korni ka nga kapag in love.

Sinubukan kong matulog kahit na sobrang hirap dahil sa kaprinangan kong pagiisip kay Damon, hanggang ngayon yung ngiti ko di maalis. Pambihira, di naman ako masyadong obvious nito. Haha! Pero salamat nalang at unti unti ko ng naramdaman ang antok.

Nagising ako mula sa alarm ng cellphone ko.. just like a promise to Damon, magkikita kami ngayon ng maaga para samahan siyang makaidlip ng kahit sandali.

Nakapag shower at nakapag bihis na ko at bago pa ko makalabas ng kwarto ko sinalubong na ko ni Mama.

"Ang aga mo ata, Sweetheart. Dahil ba may sundo ka?" She said.

"Sundo?" Pagtataka ko.

"Nandyan si Damon, may bitbit na fruits and flowers. Kausap niya ngayon ang Papa mo." Oh! Hindi ko akalain ngayong umaga na siya magpapakilala ng pormal kay Papa.

Sinabayan ko sa pagbaba papuntang sala si Mama at dun naabutan kong nakaupo si Papa sa couch habang si Damon nakaupo sa separate na chair.. naguusap sila. Sabay silang tumingin sakin ng makita ako.

"Good morning, Pa." I greeted my Dad and kissed his cheek. Then tumingin ako kay Damon at ngumiti sakanya. Ibinalik naman niya agad yung ngiti na yun at inabot sakin yung bulaklak.

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon