That Annoying BOY - 7

16.5K 560 3
                                    

The game started..

Kasama ako sa starting player. I'm with, Majah, Joan, Luisa, Patricia, Mae and Riza as our lebero.

I wake up this morning, trying to erased all the events happened yesterday. I want to completely erased it, especially now dahil may laro kami. Ayakong masira ang laro ko baka maapektuhan pa ang team namin.

Luckily nag success ako, salamat nalang din at hindi na nuod ng laro si Sam o si Damon, well si Damon di naman talaga nanunuod.

The game was pretty closed, umabot pa nga kami sa fifth set.. pero dahil magaling kami syempre kami ang panalo. Yes! Sa wakas may maganda ding nangyari sa kabila ng mga nakakabwiset na nangyari kahapon.

"Good job, girls." Coach Mila, gives her rarely compliment to us. We just smiled like an idiots to her. Then nag high five kaming lahat sabay tili, then.. basaan time! Ganto kami pagnananalo. Haha!

"Who's up for drinks?" Luisa asked to everyone.

"Me!!" I said raising my hand. At.. ako lang ang sumagot sila dedma lang kaya napatingin silang lahat sakin.

"Alak na alak girl?" Natatawang sabi ni Luisa. I roll my eyes. Nagtatanong siya, sumasagot lang ako.

"Pagbigyan badtrip pa yan." Maj said laughing. Yah! Yah! Whatever.

"Okay, damayan natin si Amber sa pagkakabadtrip niya. That's what teammates are for." Luisa said to everyone.

"Salamat!" I sarcastically said, making them laughed. Haaay!

Nag madali kaming lahat sa pag shower at nagkanya kanyang punta sa Club na lagi naming pinupuntahan pag umiinum. Just to clarify di kami lasingera, o manginginum, occasionally lang.

O pag badtrip yung isa or pag broken hearted yung isa. Ganun lang at hindi kami nagpapakalasing, saktong inum lang.

Ingay agad ng Club ang sumalubong samin pagpasok palang namin, pinagtinginan agad kami ng ibang costumer malamang dahil ang dami namin at yung iba samin naka varsity jacket pa.

Pumunta kami sa VIP room, syempre ayaw naming may makikisali saming iba kaya VIP kami. Si Luisa lang naman ang may bet na makipagkilala sa lalake eh kami bonding lang talaga.

Nag order nadin kami ng cocktail drinks para saming lahat.

"Amber, nabalitaan mo bang taga linis ngayon si Sam ng MalesRoom." Luisa said. Gustuhin ko mang maawa, naiinis padin ako sa mga sinabi niya. Siguro parusa sakanya yun ni Dean dahil sa pakikipagsuntukan niya kay Damon.

"Si Damon naman taga kuha ng basura sa buong school." Natatawang sabi ni Maj.

Pareho pala silang naparusahan. Ilang linggo kaya nilang gagawin yun?

"Galit galit muna ba kayo ni Sam?" Patricia asked me.

"Ganun na nga! Di ko nagustuhan yung sinabi niya sakin. Ni hindi muna niya inaalam kung anong nangyari bago siya mag react ng ganun." Di ko parin maiwasang mairita sa sinabi niya. Parang hanggang ngayon umeecho padin yun sa tenga ko.

"Kailan mo siya babatiin?" Riza asked.

"Di ko alam." Huminga ako ng malalim tsaka uminum ng cocktail. "Sino gustong sumayaw?" Tanong ko sa lahat. Gusto kong maiba ang topic, kasi nandito ako para makalimutan yun at hindi isipin.

"I'm in!" Luisa said. Syempre naman, ineexpect ko na siyang sumagot.

"Sumayaw tayong lahat!" Maj yelled.

"Okay!!" Excited na sigaw ng lahat. I laughed at them.

Nag simula na kaming maglakad papunta sa dance floor ng biglang may humawak sa braso ko, napatingin ako sa gumawa nun at nakita si Damon.

"Amber, can we talk?" He asked. Hinila ko yung braso sa pagkakahawak niya.

"Amber, sasama ka pa?" Luisa asked smirking.

"Susunod ako."

"Okay, Damon be gentle with our friend." Luisa said to Damon, playfully. Kakaloka talaga tong kaibigan ko.

"Ano bang gusto mong pagusapan?" Irita kong tanong.

"Wag tayo dito, masyadong maingay." He holds my wrist and grabbed me outside the Club. Nang makalabas kami hinila ko agad yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ano na?"

"Gusto kong mag sorry tungkol sa nangyaring issue satin. Hindi ko alam na kakalat ng ganun yun, gusto ko lang naman tigilan ako nung stalker ko."

"Baka nga yung stalker mo pa yung ang nag kalat nun." Pabalang kong sabi.

"Hindi ko alam, pasensya ka na talaga." Seryoso niyang sabi.

I sighed. "Ayos lang, wala naman na tayong magagawa dahil kumalat na. Huli na para magsisi. Nakakainis lang dahil nag away pa kami ng best friend ko dahil dun."

"So, am i forgiven?"

"Yes, unless ikaw ang nagkalat?"

He smirked, chuckling a little. "No, baby. Don't worry kung may ikakalat ako, yung kiss natin yun.

My mouth fell. Ang baliw talaga ng mokong na to. I slapped him on his shoulder but he just laughed at me. "Pwede ba umayos ka nga!" Irita kong sabi.

"Okay, okay." He holds up his hands, laughing. I roll my eyes on him. "Pwede ko bang hingiin number mo?" Tanong niya.

"Bakit mo naman hinihingi number ko?" Pagtataka ko.

"Wala lang, unless number ko ang gusto mong hingiin?"

I chuckled, bitterly. "Asa ka boy!"

Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya at inabot sakin. "Number mo?" Tanong niya. Ibibigay ko ba o wag nalang? Bakit niya ba kasi hinihingi? Baka pag tripan pa ko nito.

Kinuha ko din yung cellphone ko at inabot sakanya. "Palitan tayo." Paniniguro ko. Baka kasi magpakilala siya ng kung sino tapos pagtatawanan ako.

"Okay." Tinype ko na yung number ko sa cellphone niya at ganun din naman siya, then nag palitan na kami ng cellphone.

"Ayos na? Pwede ko na bang balikan yung teammates ko?" I asked.

"Yah." Matipid niyang sagot ng nakangiti. Naglakad na ko papasok ng Club at iniwan na si Damon after ng palitan namin ng number.

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now