That Annoying BOY - 17

15.1K 582 12
                                    

We stared at each others eyes, awkwardly after the kiss.

Hinalikan ko si Damon.
Hinalikan ako ni Damon.
Naghalikan kami ni Damon.

Yan lang ang tanging pumapasok sa isip ko paulit ulit na tila nag eecho pa sa utak ko.

Ano bang pumasok sa utak ko? Kung hindi ko tuluyan inilapit ang labi ko sakanya edi sana walang kiss na naganap.

"We kissed." Damon said, amused.

"Yah." I said, clearing my throat. "Can we go back to them?" I asked changing the topic. He just nods, grinning.

Tumayo na siya at inoffer niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo, inabot ko yun kaya nag tama ang mga palad namin. Tinulungan niya kong tumayo, nagkatinginan na naman kami sa mata ng bawat isa, ibinaba niya ang tingin sa labi at ibinalik din naman agad sa mga mata ko.

Bakit feeling ko gusto ko na naman siyang halikan? Ano ba to.. nakakabaliw na.

Nag simula na kong maglakad pabalik sa mga kasama namin. Kailangang mabura tong nararamdaman ko dahil pag nag patuloy to baka mabaliw na ko.

"Amber, teka bakit ba nagmamadali ka?" Damon asked.

"Gusto ko ng umuwi."

"Bakit naman? Maaga pa."

"Para sayo Oo dahil lalake ka, ako babae at may magulang na nagaalala." Ang totoo gusto ko lang makaalis na dito at maiwasan na siya ng maiwasan na tong kabaliwang pagnanasa kong halikan niya ulit.

"Ihahatid na kita." He offered.

"Hindi na." Hinawakan niya ko sa braso para pigilan sa paglalakad at iniharap sakanya.

"Umiiwas ka ba dahil dun sa halik?" He asked.

"No!" Diyos ko ayaw kong pag usapan yun. "Baka makita ka ni Samie, magagalit yun pag nakita niyang kasama kita." Pagpapalusot ko na alam kong gagana.

Unti unti siyang bumitaw sa pag kakahawak sa braso ko at biglang sumeryoso yung mukha. "Tama ka, baka nga naman magalit si Samie mo. Baka isipin niyang may relasyon tayo at sugurin na naman niya ko. Kaya sige, sige umalis ka na." He said then walk out.

Woe may nasabi ba kong masama? Bakit bigla nalang siyang nagalit sakin? Masama ba yung sinabi kong baka magalit si Samie? Hindi lang naman kasi basta palusot yun ayaw ko din silang magkaabot dahil baka magkaaway na naman sila at parusahan ni Dean kaya ko sinabi yun.

Nakarating kung nasaan ang mga kasama namin, nakita ko si Damon na umiinum ng beer kung saan kami nakaupo kanina nung nilapitan kami ng maarteng babae.

Dapat ko ba siyang lapitan kasi naman mukhang nagalit talaga siya sa sinabi ko. Nagkakapikunan kami Oo, pero.. galit? Iba na ata yun.

Naramdaman kong may humawak sa bewang ko mula sa likod na ikinagulat ko kaya, napaabante ako ng dalawang hakbang at hinarap ang manyak na yun. Nakita ko ang lasing na kateammate ni Damon. "What do you think your doing?" Irita kong tanong.

"Let's have some fun, Amber." He sounds drunk as hell. Humakbang siya palapit sakin at hinawakan na naman ako sa bewang ko in a very manyak way kaya sinampal ko siya ng ubod ng lakas.

"Don't touch me!" I yelled.

"Matapang gusto ko yan!" He said smirking. Aakma na sana siyang lapitan ulit ako pero bigla nalang may sumuntok sakanya na ikinagulat ko. Si Damon ang gumawa nun at nung matumba na sa lakas ng pagkakasuntok niya yung kateam niya pinagsususuntok padin niya ito kahit tumba na. Buti nalang at inawat na siya ng mga kateam niya kasi naman bugbog sarado na niya yung lasing niyang teammate.

"Amber, ayos ka lang?" Luisa asked, concerned. I nodded, still shocks at Damon's attacking, punching his drunk teammate.

"Ayos ka lang ba? Wag kang mag alala hindi ka na ulit babastusin ng gagong yun." Damon said. Hinawakan niya ko sa kamay. Ibig bang sabihin nito di na siya galit? "Mag bihis na kayo." Damon said to Luisa. Luisa just nodded her head to Damon.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa changing room habang hawak hawak niya yung kamay ko. Nakasunod lang samin si Luisa at nang makarating kami ng changing room binitawan na ni Damon yung kamay ko.

"Babantayan ko lang kayo dito." He said. Tumingin ako sandali sakanya halatang halata sa mga mata niya ang pagaalala sakin. Pumasok na ko ng changing room.

"Concern na concern sayo si Damon ah." Luisa teased.

"Yah." I agreed.

"Ayos ka lang ba?" She asked.

"Hmmm?"

"Dun sa pangbabastos ni Kevin sayo, alam mo salamat nalang kay Damon kundi baka kung ano ng ginawa ng playboy na yun sayo." Kevin? Kevin pala ang pangalan niya.

"Ayos lang ako, nasampal ko naman siya eh. Bawi na."

"Good to hear that, mag bihis na tayo at nag hihintay na ang knight and shining armor mo sa labas." She teases again. I roll my eyes on her.

Sinimulan na namin ang mag shower at pagkatapos nag bihis din naman agad. Hindi na kami nag abalang mag lagay ng burloloy sa mukha kasi gabi naman na at nakakatamad na. Sa totoo lang pagkatapos kong mag shower para akong napakagod na di malamang dahilan.

Pinuntahan na namin si Damon at ngayon kasama na siya ni Lucas. "Amber, pasensya ka na sa ginawa ni Kev ha.. lasing na kasi eh." Lucas said.

"Ayos lang." Tumingin ako kay Damon na nakatingin lang din sakin.

"Uuwi na kami, ihahatid ko pa si Amber." Luisa said to Lucas.

"Sasamahan na namin kayo. Gabi na at delikado sa daan." Lucas said. Tumango lang si Luisa sakanya bilang pagsangayon sa paghatid samin. Umakbay sakanya si Lucas at sabay na silang naunang maglakad samantalang kami ni Damon nakasunod lang.

"Di ka muna mag bibihis?" Tanong ko.

"Payag ka ng ihatid kita?" Seryoso niyang tanong.

"Uh.. magagalit ka ba pag humindi ako?" Hindi siya sumagot at tumitig lang sakin. Mukhang ibig sabihin nun magagalit siya.

"Sige pero.. please, pag nagkita kayo ni Samie walang magaaway!" Pagpapaalala ko.

"Pangako."

---

Hi guys thank you for reading..

Baka bet niyo din basahin ang isa kong story na..

GYNOPHOBIA (fear of WOMEN)

Story siya ng isang lalake na takot sa babae or hatred.

Thanks again! ♥

My_love_letter

That Annoying BOYWhere stories live. Discover now