That Annoying BOY - 51

16.5K 605 9
                                    

Lumabas na ko ng kwarto at pinuntahan na si Damon sa dining area, suot ko lang yung T-shirt niya. Kasi ito yung inabot niya sakin kanina kaya ito na yung sinuot ko.

Nakita ko siyang nakaupo na at malamang hinihintay ako kaya tumabi na ko sakanya.

"You look sexy as always, baby." He admiringly said.

"Kain nalang tayo baby, tama na ang bola." I said, making him laughed. Naka score na nga, mangbobola pa. Haha!

Sinimulan na namin ang pagkain at sa inaasahang pangyayari, ang sarap ng luto niya. Ano nga kayang hindi kayang gawin ng mokong na to? Ah.. tama pagsasayaw at pag shoot ng bola.

"By the way, baby im proudly to say i slept six hours straight!" He said.

"Really?" Gulat kong tanong.

"Yup, it's because im with you. Plus no nightmares."

"I'm happy for you, baby." I kissed his lips, sweetly.

"Baby, if you continued kissing me.. baka dalhin kita sa kama at tadtarin ng halik."

I giggle. "That's only if you're not scared of sending me home more late."

"Yah, im scared." He admits. I laughed at him.

Natapos kaming kumain kaya ako na ang nag offer na mag hugas kasi siya na rin naman ang nagluto kaya ako na ang maghuhugas pero.. gusto pa niya daw akong tulungan. Ganun siya ka concern, sweet kulang nalang gawin niya kong prinsesa. Pabor sakin yun, hihi!

Natapos din naman kami sa paghuhugas kahit na kinukulit niya ko, natapos pa din kami.

Bumalik kami sa kwarto para makapag bihis, gustuhin man naming mag shower muna wala naman kaming dalang gamit. Nag bihis lang ako sa harap niya, siguro hindi na nakakailang dahil may nangyari na naman samin. I caught him staring, angrily at me habang nakaupo sa kama. May nagawa ba ko?

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Yah!" Matipid nitong sabi, sabay iwas ng tingin. Naglakad ako palapit sakanya at hinawakan siya sa magkabilang pisnge at pinatingin sakin.

"You look mad, may nagawa ba ko?"

"Look at your arms." He seriously said. I do as i told.. laking gulat ko na makita ng pasa sa mga braso ko. Shit! Ito na siguro ang ibendensyang pangbabastos sakin ni Sam. Hindi ko na naman maiwasang mairita, mainis, magalit lahat lahat na ng masamang emotion.

Umupo ako sa kama at inilagay ang mga kamay sa mukha ko. Parang bigla akong nakaramdam ng pagpapanic dahil sa naalala kong ginawa niya sakin. Fuck ang laking trauma ang binigay niya sakin.

"Baby.." Damon called softly. I look at him. "I'm here, he can't harm you now." He reassured. Umupo ako sa kandungan niya at niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam kong protektado ako sa bisig niya.

Ilang minuto din kaming nanatiling magkayakap, komportable ako sa yakap niya. Kung hindi lang kami uuwi gusto ko pang manatiling yakap yakap niya lang.

Bumitaw na ko sa pagkakayakap namin at inabutan niya ko ng jacket. "Wear that baby. Ayokong makita ng parents mo yang mga pasa mo." He seriously said, he's still looks mad not to me obviously with Sam.

Tama siya, baka pag nakita to nila Mama magwala sa galit yun, lalo na si Papa. Kinuha ko yun at sinuot na, tsaka hawak kamay na umalis na ng Unit.

Lumabas na kami ng Unit niya, mag kahawak kamay kaming naglakad papuntang parking. Since pareho naming dala ang kotse namin, we decide to use his car babalikan nalang namin yung kotse ko mamaya pag uwi galing school.

Sa pag sisimula namin ng byahe kapansin pansin ang pagiging seryoso ni Damon, malamang dahil sa nakita niyang pasa sa braso ko. Maski naman ako biglang nasira ang araw ng makita ko yun. Nakakainis lang dahil ang ganda na ng simula namin, nasira pa dahil sa mga pasa na to. Hindi ko talaga alam kung magagawa ko pang mapatawad si Sam sa ginawa niyang to sakin. Sana lang di ko siya makita sa school, sana lang di sila magkaabot ni Damon.

Siguro nga galit siya dahil naistorbo ko sila sa ginagawa nila nung date niya or pwedeng dahil nasaktan ko siya, pero di naman sapat yun para bastusin niya ko.

Nakarating kami ng bahay, yung seryoso niyang mukha parang biglang naging kabado. Siguro dahil na ngayon niya lang ako nahatid.

"Makakalabas ka pa ng buhay, don't worry." I joke to lighten our mood.

He chuckled. "Sana nga."

Sinimulan na naming pumasok ng bahay at pareho kaming naghahanda sa sermon ni Mama dahil nga magdamag akong hindi umuwi. Nakita naming naglalambingan ang mga magulang ko sa sala, like parang teenagers.

I cleared my throat to interrupts them. Kasi naman nakakahiya at nakakailang yung ginagawa nila, kasama ko pa naman si Damon ayos lang kung ako lang eh. Sanay naman na ko sakanila. "Sweetheart.." Sabay nilang sabi ng makita ako. Si Mama tila nahihiya, si Papa naman nakangisi lang.

"Bakit ngayon lang kayo?" Mom asked.

"Uh.. kumain po muna kasi kami bago umuwi, pasensya na po kung ngayon ko lang siya nahatid." Damon said, nervously.

"Magkatabi kayong natulog?" Papa asked, making me blushed. Shit! Nakakaloka, kailangan talagang tanungin yun? Tumingin sakin si Damon at tila di alam ang isasagot.

"Uhm.. o'opo." Damon said, nervously. Diyos ko Lord! Biglang sumeryoso yung mukha ni Papa dahil sa pagiging honest ni Damon sakanila. Kaya lalong nakakakaba.

"Honey, wag mong takutin yung mga bata." Mom said. Oo nga!

Papa sighed. "Okay, papasok na din ako sa office." He kissed my Mom again tsaka tumingin at lumapit samin. He kissed my forehead.

"Mula ngayon, im going to watch your moves." He warns to Damon.

"Uh.. o'opo." He's more nervous now. Nag simula na sa paglalakad palayo si Papa. Kaya nakahinga na kami ng maluwag.

"Nakuha ng Papa mo ang pananakot ng Lolo mo sakanya." Mom said laughing softly. "Don't worry hijo, hindi kami galit sa paguwi ng late kay Amber. Thank you for being honest." Mom added.

"We'welcome po. Uh.. pwede ko rin po bang ipaalam na isasama ko bukas si Amber sa bahay? Kasi po gusto siyang makilala ng parents ko."

Pareho kami ni Mama na nagulat sa sinabi niya. Bukas na? OhmyGOD! Mas lalo ata akong kinabahan, no- mas nakakakaba to kesa sa itsura kanina ni Papa. Gosh!Honestly nawala na yun sa isip ko until he mentioned it now, again.

"Oh, okay.. sure." Mom said, looking at me. Trying to read my thoughts.

"Thank you po." Damon says. Tumingin siya sakin at ngumiti, yung ngiting alam niyang bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Uuwi muna ko para mag ready sa school, susunduin pa din kita."

"Okay." Matipid kong sabi. Hinalikan niya lang ako sa noo at nag paalam lang siya kay Papa bago tuluyang umalis ng bahay.

--

Keept voting babies.

That Annoying BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon